Desisyon

Sa palagay ko, dalawa sa pinaka-pinaka-tamang mga desisyong ginawa ko sa buhay ko ay (1) ang gustuhing pumasok sa UP at (2) ang magtrabaho para kay Joyce Bernal.

Ba’t hindi ako nagsulat nung nasa Santorini ako?

Sa Santorini, kada magdadapit-hapon na, bandang mga 8pm sa pagkakaalala ko, pero maliwanag pa, papunta lahat ng mga tao, na karamihan ay turista, sa dulo ng Oia. Hahanap ng pwesto nila, paharap sa Aegean Sea, yung maluwag, kumportable, yung kasya ang tripod nila, yung hindi mahaharangan ng ulo ng iba ang view. At pag mag-uumpisa…

Baka bingi, baka lang ha

“Direk, ano pong gusto nyong ipabili?” tanong ni Ate A, ang aming errand runner, kay Direk Joyce sa acting workshop ng Kimmy Dora. (Kahit beterano na ang mga artistang kasama sa pelikula, kailangan pa rin ang acting workshop para maging komportable ang mga artista sa kanilang bagong karakter at sa isa’t isa.) “Drip tall sa…

And I quote Bb. Joyce Bernal

1. Joyce Bernal: (through text) Tonet, tanong mo kina Marian, Paolo, Helen, Jing, etc kung ano’ng gusto nila sa Starbucks. Tonet: Ok. Wait lang po. Tonet: (after five minutes) Ayrin- iced cafe mocha with extra shot espresso; Tonet- iced cafe mocha; Ms Helen, May- caramel macchiato; Denoy- coffee frappe light; Marian- chocolate cream; Erwin- caramel macchiato hot;…

Adlib

Sa isang eksena namin para sa pelikula ni KC (Concepcion) at Richard (Gutierrez), ipinapakilala ni Abby (re-introducing Ana Roces from Wednesday Edition (for confirmation)) si Lily, ang kanyang anak na five years old na ngayon, kay Seth (Gutierrez), kapatid ni Abby, na ngayon lang bumalik sa Pilipinas after three years. Kailangang humingi si Lily kay Tito Seth…