Nangyayari pala talaga sa totoong buhay yun

Nangyayari pala talaga sa totoong buhay yun, yung may kakaway sayo nang buong galak, tapos makikita mo ang pagkaway nya nang buong galak, tapos ngingiti siya nang buong galak, tapos titingin ka sa kaliwa at kanan, left at right kung ikaw nga ba ang kinakawayan at nginingitian niya nang buong galak, e parang ikaw naman,…

Libro, wag kang pupunta sa kanto nila, kung gusto mong magka-Book 2.

Sabi ng isang libro na aksidente kong nabuklat sa Fully Booked sa Trinoma: “A wise woman must give sex very few, very seldom, and above all, very grudgingly.” At natawa ako nang malakas, yung may sound. Tinext ko ito sa mga piling-piling kaibigan. Yung alam kong masisiyahan ako sa iba’t ibang level ng galit sa…

Ang katangahan, kung wala sa iba, nasa iyo

Hindi sa lahat ng pagkakataon e nagagamit natin ang ating utak. Tulad ng habang natutulog at nasa kasagsagan ng pananaginip, o habang nasa bus at nakatulala lang kasi, ah, masarap lang tumulala, o habang nanonood ng isang walang kwentang telenovela kung saan ang kontrabida ay hindi natatamaan ng bala kahit pinagbababaril na siya ng limang…

Hindi siya bakla, mapanghusga ka lang

“Bakit ka ba umalis ng Pilipinas?” tanong sa kanya. Medyo matagal na kasi siyang nasa Amerika, na nakakagulat, kasi parang masaya naman ang buhay at career niya dito sa’tin. Sabi niya, isa sa mga dahilan e hindi na raw niya makayanan ang tsismis na bakla daw siya. At sumunod ang isang mahabang litanya tungkol sa…

Nas’an ang Datu Puti kung kelan siya kinakailangan?

Madalas, tinetest ni God ang ating patience. Kung sinuswerte, sa bahay ka lang pag-eexamin ni God, kung saan kaunti lang ang makakakita ng iyong pag-aanyong-bakulaw. Nagluto si Diding, ang kasambahay ni May, ng sinigang na baboy para sa tanghalian. Inihain sa hapag-kainan. Tinikman ni May ang mainit pang sinigang. Nilasap-lasap. Nilasa-lasahan. Parang may kulang. “Diding,…

Pa-order nga po ng pag-ibig, with extra cheese, willing to wait

May kilala akong hindi pa nagkaka-boyfriend since birth. Gusto na raw niyang magka-boyfriend, yung maranasan na kapag pinagalitan siya ng boss niya e merong magsasabi sa kanyang “it’s okay” o kapag pagod na pagod siya galing trabaho e ok lang kasi may kasama naman siyang mag-dinner later with interesting conversation tungkol sa buhay, buwan at…

Showbiz o non-showbiz?

“May boyfriend ka ba?” tanong sakin ng isang ka-trabaho. “Oo,” sagot ko, na parang close kami. At nag-follow up question siya ng isang nakaka-tiwang na follow-up question, “Showbiz o non-showbiz?” Ha? Ano? Ano daw?, sabi ko sa sarili kong ka-close ko. Sa sobrang pagka-tiwang ko sa tanong niya, hindi pala kinaya ng sarili kong sa…

Please allow me to rant in English

I feel soooo bad that I missed the deadline of this year’s Gawad CCP for Alternative Film and Video. Argh! I was waiting for their December call for entries (they always announce it on that month) so I can submit my short film Tumbang Preso, have its screening in January in CCP’s Little Theater, then pray…

Raffle ba kamo? Eto’ng raffle

Katatapos lang nun ng cast party ng Kim Sam Soon, na pinagbidahan ni Regine Velasquez. “Ibang klase yung pa-raffle ni Regine. Sa ibang raffle diba, may premyo, tas bubunutin yung pangalan nung mananalo,” sabi ng taga-GMA Engineering na Mike na pumunta sa party. “Dun kay Regine, ikaw mismo ang bubunot ng makukuha mong premyo, kaya lahat talaga, may…