Susmaryosep, wala bang Biogesic sa Agoo?

Hindi ko alam kung pano pero habang nasa production meeting kami para sa pelikulang Robin Padilla-Toni Gonzaga ng Star Cinema, napunta ang usapan kay Judiel Nieva na sinabing nakikita raw si Mama Mary sa isang bundok sa Agoo, La Union, kung saan may dibuho pa ni Mama Mary na umiiyak ng dugo, na dinayo ng…

Islomo

Naalala ko lang, sabi ng isang dati kong katrabahong parang laging naka-islomo ang paggalaw at pananalita, habang lahat kami ay nangangarag at naiistress sa pre-prod ng isang madugong shoot na kinabukasan na kukunan, “Pwede bang pakiabot yung tinatawag na,” at nag-pause siya ng matagal, parang sa declamation contest para ma-emphasize yung last line sa speech,…

Hindi siya bakla, mapanghusga ka lang

“Bakit ka ba umalis ng Pilipinas?” tanong sa kanya. Medyo matagal na kasi siyang nasa Amerika, na nakakagulat, kasi parang masaya naman ang buhay at career niya dito sa’tin. Sabi niya, isa sa mga dahilan e hindi na raw niya makayanan ang tsismis na bakla daw siya. At sumunod ang isang mahabang litanya tungkol sa…

Sa bawat departure, may arrival, tanong mo pa sa airport

Nasa departure area kami nun ng NAIA, papuntang Santorini, Greece para sa shooting ng For the First Time. Ang dala ko, dalawang malaking bag lang. Hindi rin ako malungkot. E isang linggo lang naman kami sa Greece, alam kong babalik ako. Wala ring kapamilya o kaibigang naghatid sakin papuntang airport, mga staff at crew lang ang…

Raffle ba kamo? Eto’ng raffle

Katatapos lang nun ng cast party ng Kim Sam Soon, na pinagbidahan ni Regine Velasquez. “Ibang klase yung pa-raffle ni Regine. Sa ibang raffle diba, may premyo, tas bubunutin yung pangalan nung mananalo,” sabi ng taga-GMA Engineering na Mike na pumunta sa party. “Dun kay Regine, ikaw mismo ang bubunot ng makukuha mong premyo, kaya lahat talaga, may…

And I quote Bb. Joyce Bernal

1. Joyce Bernal: (through text) Tonet, tanong mo kina Marian, Paolo, Helen, Jing, etc kung ano’ng gusto nila sa Starbucks. Tonet: Ok. Wait lang po. Tonet: (after five minutes) Ayrin- iced cafe mocha with extra shot espresso; Tonet- iced cafe mocha; Ms Helen, May- caramel macchiato; Denoy- coffee frappe light; Marian- chocolate cream; Erwin- caramel macchiato hot;…

At your own pace

Production assistant ako nun sa shoot ng Head&Shoulders TVC. May isang lalaking naka-simpleng tshirt at tsinenas na mahaba at magulo ang buhok ang lumalapit sa kamera. Nagtatanong sa amin tungkol sa ilaw, sa anggulo ng kamera at iba pang ka-teknikalan. Hindi naman siya parte ng production staff namin, at lalong hindi siya crew, pero mukhang interesado talaga siya. Nung…