Kung Paano Magmahal Nang Hindi Nasasaktan (Ngunit Hindi Pa Rin Garantisado)

Siguro dahil ang pag-ibig
ay hindi panghabambuhay,
dapat ay ganito:
mamahalin kitang parang
ikaw ay sasandali lang.
At ang iyong pagdating
ay hudyat ng
papalapit nang papalapit
na paglisan
na hindi tiyak kung kailan.
Upang ang bawat tingin
ay maaaring huling tingin na;
ang bawat sandali
ay maaaring huling sandali na;
bawat sundo at hatid,
maaaring huli na.
Kung hindi ka mananatili,
hindi ko mamasamain.
Dahil simula pa lang ay
alam kong
ikaw ay sasandali lang.
Kaya mamahalin kitang
parang hindi na kita maaaring
mahalin muli.
Dahil ang pag-ibig
ay hindi panghabambuhay,
alam kong
ang paglisan ay pangkaraniwan.
At ang pananatili,
ituturing na hiwaga.

Originally written in October 2019. Revisited in November 2020.

2 Comments Add yours

  1. WanderNine says:

    Ang gandaaa ❤

    1. Tonette says:

      Salamat 🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s