Minsan ang pag-ibig

Minsan ang pag-ibig ay nakabalot
sa makintab na palara.
Na sa iyong pagbukas,
makikita ang laman—
wala palang kinang, kinakalawang.
Ngunit mamahalin mo pa rin
dahil ganoon ang nagmamahal,
tumatanggap.
At ganoon ang minamahal,
tinatanggap.

Minsan ang pag-ibig ay nakabalot
sa lumang dyaryo at maruming papel.
Na sa iyong pagbukas,
makikita ang laman—
isa palang dyamanteng hindi pangkaraniwan.
At lalo mong mamahalin
dahil ganoon ang nagmamahal,
tumatangi.
At ganoon ang minamahal,
itinatangi.

Minsan ang pag-ibig ay nakabalot
sa makintab na palara ngayon
at sa lumang dyaryo at maruming papel
kinabukasan.
Na sa iyong pagbukas,
makikita ang laman—
kumikinang ngayon ngunit
bukas biglang kakalawangin.
Ngunit mamahalin mo pa rin
dahil ganoon ang nagmamahal,
umiintindi.
At ganoon ang minamahal,
iniintindi.

Minsan ang pag-ibig ay nakabalot
sa palara man o dyaryo,
makinang man o kinakalawang.
Na hindi mo mabubuksan
o makikita man ang laman—
dahil hindi para sa iyo.
Ngunit mamahalin mo pa rin
dahil ganoon ang nagmamahal,
basta nagmamahal lang.
At ganoon ang minamahal,
basta minamahal na lang.

Advertisements

2 Comments Add yours

  1. KG from hilaga't kanluran says:

    matutulog na ako eh huhuhu kaso ang sakit naman po 😦

  2. agnes says:

    I’ve been reading and re-reading this a dozen times and it’s still as beautiful and painful as it was when I first read it.

    Direk Tonet, san po kayo kumukuha ng mga inspirasyon na magsulat ng mga ganito kagaganda? Kinakalawang po ang aking utak ngayon at may deadline akong hinahabol. 😦

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s