#foolishmovie Pt. 3: What’s in a title?

Ang hirap umisip ng film title, mga besh! Dapat catchy, dapat memorable, dapat encapsulates sa story in just a few words. So far, we have working titles – Five Years Later (is catchy, yes, may be memorable, yes, but the whole film isn’t about five years later anymore! It used to be, pero nag-evolve na ang kwento kaya wiz na swak), Here’s to the Fools (which I like, pero “masyadong mataas”, as they say – I just put this as working title for the 2nd draft of the script kasi wala lang, parang ang inspiring, at dito talaga ako naiyak sa kanta ni Tiyang Emma sa La La Land jusko!!!), and #foolishmovie.

Medyo nakakapanibago kasi madalas, habang nagsusulat ako ay alam ko na ang title. Ganun sa Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay at sa That Thing Called Tadhana (pero habang nagsusulat ako ay iba pa ang title – The Mace Castillo Story (Lord, Pangit Ba ‘Ko?) bilang homage sa mga massacre movies nung 90’s – hindi ba’t parang na-massacre din naman ang puso nun ni Mace?). Pero ito, waley. Wala akong maisip. Siguro kasi bonggang hirap na hirap ako sa pagsusulat na jusko, unahin ko pa ba ang title, ‘yung totoo?!

So habang nag-eedit kami ng teaser ay unti-unti naming nari-realize na shet, kailangan na nga ng title!!! Bakit ang hirap?! Ang dami natin minsang comment sa mga title ng pelikula, kesyo ganito o ganyan, bakit ganito, bakit ganyan, pero ang totoo, mahirap kaya umisip! Ang hindi lang yata nahirapan ay Titanic! Jusko, lalayo pa ba sila, ayan na ang barko o! Tatama na sa iceberg o, gawin pa bang My Heart Will Go On?!

Advertisements

9 Comments Add yours

  1. Love211 says:

    Thank you Direk sa pablog mo feeling ko talaga part ako ng journey mo sa JaDine Movie. I love reading your blog. I love how passionate you and your team. I love how you share your journey from the start and it excites me more each and every blog you post. I’m praying for you, your team and JaDine. All the best. God bless.

  2. Naghihintay says:

    Direk, tawang-tawa po ako sa “Titanic”! 🤣 We’ll pray for you and whole team, Direk! Kaya mo yan! Kaya niyo yan! May tiwala po kami sa inyo! Basta maghihintay kami, kasi alam naming karapatdapat itong hintayin. Ito na eh. Nandito na yung hinihiling naming proyekto sa JaDine, ngayon pa ba kami bibitaw? Mas masarap ang tagumpay kapag talagang pinaghirapan. Kaya mo/niyo yan, Direk! God Bless po!

  3. meloxsite says:

    Crazy For You
    What Kind of Fool Am I ?
    Foolish Hearts
    That Feeling That Makes You Baliw

  4. robin says:

    What’s your fave movie title, Direk? And Why?

  5. Christine says:

    Maiisip mo din yan Direk. Just feel it in your heart. You’ll see it will come to you. O kaya naman ibato mo sa universe.

  6. Ai Tris says:

    Direk how about Foolish Hearts? Hehe

  7. Connie says:

    Nakaka excite naman direk

  8. Super-Corny says:

    Fooling in Love nalang Direk heheh … o di kaya … Foolishly Yours

  9. Kizzel Mina says:

    Gusto ko yung Here’s to the Fools direk. ❤️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

w

Connecting to %s