Almosts

img_7978
Una kaming nagkita ni Dan nung 2013. Pero dapat pala mas napaaga.

Nung March 2006, na-nominate ang short film kong ‘plano sa Ateneo Video Open. Estudyante pa lang ako nun sa UP – graduating na, ginagawa ko na ang thesis ko. Sumakto ang awarding nung shoot ng thesis ko. Gustung-gusto ko talagang makapunta kasi unang film festival ko ‘yun sa labas ng UP. Pero siyempre, hindi ko naman pwedeng iwan ang thesis shoot ko. Nakapunta nga ako ng awarding, hindi naman ako makaka-graduate, e wag na, ‘di ba? Saka hindi ko naman kung mananalo ako – e nanalo ako. Ayun, wala ako, pero good news, natapos ko ang thesis ko at naka-graduate ako. Years later, nalaman kong nanalo rin pala si Dan sa parehong film festival – for Best Cinematography sa short film nilang Gemini. “Ikaw pala ‘yun, ‘yung gumawa nung short film na nag-pakyu ‘yung bata?!” Sabi niya, hinihintay nga niya kung sino ‘yung gumawa – kung sino ‘yung tumalo sa short film nila haha – pero hindi ako nakapunta. ‘Yun sana ang una naming pagkikita.

Nung June 2012, nagka-final gig si Cynthia Alexander sa 70’s Bistro. Fan na fan ako ni tita Cynthia, kaya agad akong nagpa-reserve ng tickets – isa pa nga yata ako sa mga nauna kasi pagkatapos kong mag-text, hindi na nakakuha ‘yung ibang mga kaibigan ko. Full na raw, waiting list na lang sila. Nung gabing ‘yun, papunta na dapat ako sa 70’s, kasama ko pa sa kotse si Dohna at Leo, bagong aral pa lang ako mag-drive. Ewan ko bang kung anong pumasok sa isip ko, pero nung malapit na kami sa 70’s Bistro, biglang nagpalit ako ng isip at sinabi kong hindi na lang ako pupunta. Hindi ako nanood ng Cynthia Alexander – na years later ko lang nalaman, nandoon pala si Dan. Nanood siya kung kailan hindi ako nakapunta. Napakaliit pa naman ng 70’s Bistro – ‘yun sana ang una naming pagkikita.

Nung 2013, kumandidato si Aga Muhlach bilang Congressman sa Camarines Sur. Si direk Joyce dapat ang magdi-direct ng isa sa mga campaign videos niya, pero bigla niyang hindi na magagawa – ibinigay niya sa akin. Tinanong niya ako kung sino ang gusto kong DoP sa project – at sinabi ko, si Dan Villegas po – dahil matagal ko na siyang gustong makatrabaho dahil lagi siyang nananalong Best Cinematography sa Cinemalaya. Minessage ko si Dan sa Facebook – sa Facebook pa lang kami magkakilala para tanungin ko pwede siya – ayun, pwede raw! Dumating siya sa shoot namin – bata pa lang pala siya, akala ko talaga ka-era niya sina Neil Daza o Rody Lacap hahaha – at ‘yun sa wakas, ang una naming pagkikita. Hindi romantic, hindi rin cinematic. Pero nagkita. At ‘yun naman ang mahalaga.#

4 Comments Add yours

  1. Jojo says:

    Pang movie na ‘to!! ❤️

  2. Tims says:

    nakapanood ka po nung Sabado sa Music Museum?

  3. unykahija says:

    🖤🖤🖤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s