UPCAT

My Uber ride took a side trip to UP and I was reminded that today is UPCAT day. Ang daming naglalakad na mga estudyante, karamihan hindi maipinta ang mukha at may kasabay na nanay o tatay. Ngayon ang simula ng araw na hindi sila makakatulog kakahintay kung ang darating bang envelope sa bahay nila next year ay manipis o makapal. ‘Yung makapal ‘yung dasal – ibig sabihin, nakapasa.

I will never forget the day I learned I will be an Iska. Nag-absent si KE sa klase – ibinigay namin sa kanya mga full names namin kasi pupunta siya nun sa UP Diliman upang mano-manong i-check ang mga pangalan namin. Hindi ko makakalimutan – klase ‘yun ni sir Alexis Macapanpan, nang sumilip sa maliit na bintana ng pinto ng classroom namin si KE. Nakita ko siya – pagkakita niya sa akin, ngumiti siya, sabay thumbs up sign. PUTANG INA NAKAPASA AKO NG UP. Hindi ko sinabi ‘yun nang malakas kasi D in Deportment ang cursing kaya napatili lang ako nang very, very light – but still loud enough for sir Macky to hear. Tumingin siya sa’kin pero imbes na magalit ay ngumiti lang siya sa’kin, umiiling-iling. Para bang alam niyang kaya ko nakumpleto ang Simbang Gabi for the first and last time ay dahil alam kong pwedeng mag-wish pagkatapos – at wala akong ibang hiling nun kundi makapasa sa UPCAT. Core memory na yata ‘yun sa’kin.

Kakainis ka, UP. Ang dali mo akong pasentihin tuwing madadaanan kita, ke sinadya ko pa o nagkataon lang. Still some of the best four years of my life. ❤️

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s