Giddy, happy, 3 reasons why

1. Kasi kumain kami ni Dan at ng Mama at Papa ko ng sushi at teppanyaki. Halos araw-arawin ko na ang Japanese fudam! Makakuha na nga ng franchise ng Tokyo Tokyo. Waw.

2. Today, I read the storyline of my other film. I won’t be writing the script – gusto ko sana pero hindi na talaga kaya lalo’t may dalawa akong pelikulang gagawin. E ang tagal ko pa naman magsulat! First time kong magdi-direct ng pelikula na hindi ako ang nagsulat (sa TV naman kasi e hindi talaga ako ang nagsusulat – nagdadagdag lang ng on-the-spot revisions sa lines). Mas okay na ito para mas makatutok ako sa pelikula. Mahirap magsulat kapag hindi focused! Anyway, tawang-tawa ako sa storyline! Pasok sa banga, nawala ang kaba ko! Swak kami ng writer. Magandang pangitain, bes.

3. Today, I also received very good news about my current film. One of our bosses loved the script huhuhu. Tumawag ang creative head ko (I love him!) at pareho kaming huhuhu nang huhuhu. O ‘di ba, ang arteh lang hahaha. I worked so hard on this script – it took me almost two months to write it (which is too short kung regular writing standards pero sa mainstream, two months is TOO LONG!!! Kaya I am grateful that my creative manager and Star Cinema allowed to me to spend time on my writing, as I requested, kasi alam kong ‘yun ang comfort zone ko – kapag happy ako sa script) – kaya nakakagalak ito ng puso, lalo coming from our boss. (The other day, pinabasa ko rin ang Draft 2 sa isang friend ko, at nagustuhan niya rin ang script – at teh, ang arte ko lang talaga siguro, pero naiyak ako! Hahaha paka-OA pero ewan ko, siguro kasi napagod lang talaga ako magsulat at mag-isip ng solusyon sa mga problema sa sinulat ko sa Draft 1.) Mamaya ay magko-comment ang ibang mga boss. Pero ngayong gabi, sapat na ‘yung kay ma’am. Matutulog akong puyat ngunit nakangiti.##

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s