Athens, Greece, 2010 and 2016


View of the Parthenon from our pre-prod. It’s 7:40pm here.

Naaalala ko nung unang punta namin dito ni Irene Villamor para sa For the First Time ni direk Joyce Bernal, 2010 yata yun. AD siya tapos scriptcon ako. Nung una kong nakita tong Parthenon, halos maiyak ako, no joke. Tinanggal ko yung tsinelas ko (yung favorite tsinelas ko nung limited edition na Havaianas na may Philippine flag, na napigtas na), at tinapakan ko talaga yung kalsada. Ang drama lang, anuto, gawa sa dyamante? Pero eh kasi naman, sa pictures ko lang to nakikita dati tapos biglang, pak, eto na sa harap ko.

Tapos nung last day ng shoot namin, maaga napack-up, nagpaiwan kami ni Ayrin sa Oia sa Santorini. Di namin alam paano uuwi, sabi namin, taxi na lang tayo. Naghanap kami ng mamahaling resto, hindi sobrang mamahalin, yung pang-naipong per diem lang, tapos bumili kami ng ice cream. Oo ice cream. Sa gabing malamig. Kasi parang ang sarap sabihing, shet, nakapag-ice cream kami sa Santorini, kahit na ang baba ng sweldo namin, shet, nakapag-ice cream kami sa Santorini, bakit ba. Tapos nagkwentuhan lang kami. Pinanood namin yung reflection ng buwan sa Aegean Sea tapos naisip ko, shet nakakapagod tong pagpe-pelikula pero para mabigyan ako ng chance makita tong same buwan na nakikita ko naman sa Maynila pero this time may reflection sa Aegean Sea, shet, salamat, pelikula. Ito yata yung tinatawag na this is the life.

Tapos kailangan na namin umuwi. E wala na yung production service. So sabi namin, taxi na lang? E pa’no kung mahal pala, e wala na tayong pera, hindi namin alam magkano metro ng taxi doon. So sabi namin, maglakad na lang tayo. Tutal mukhang malapit namin yung bahay natin mula dito.

MUM ANG LAYO PO. May nadaanan na kaming mga bahay, mga aso na takot na takot kami (na naging parte ng isang eksena sa Relaks, It’s Just Pag-ibig namin), pero wala pa rin ni anino nung bwakanangshet na bahay. Pero ang dami naming napagkwentuhan. Pelikula, pag-ibig, katangahan, kagagahan. Cheesy man, life. Di pa tapos kwentuhan namin, biglang lumitaw yung bahay. Andun na kami.

Pagdating namin, nag-iinuman na sina KC, Richard, direk Joyce at mga staff. May videoke rin. Kumanta kami ni Ayrin ng mga Alanis… yung “I’m young and underpaid… I’m broke but I’m happy baby.” Ang totoo lang. Yung alam mong pagbalik mo ng Maynila, ang baba pa rin ng sweldo mo, pero hindi mo naman ininda. Kasi masaya ka. Ang cheesy. Pero nasa Santorini kami, feeling ko excused kaming maging cheesy.

Dami kong nasabi. Ang point ko lang naman, Lord, thank you ha.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s