Amnesia

Si Manong Uber na nasakyan ko, mareklamo. Ang traffic daw, baka abutin kami ng siyam-siyam sa daan. Kapag nag-green na ang stoplight, bubusinahan niya agad ang nasa harap niya. Maantala lang kami nang kaunti sa daan, bubusina na agad siya. Nagmamadali si Manong Uber, na para bang may flight akong hinahabol sa NAIA kung saan naroon din ang true love ko. E wala naman. Hindi ako nagmamadali, hindi pa ako male-late sa meeting, relaks, Manong, walang taxing naghihintay sa labas. Ang bilis din niya magpatakbo ng kotse, parang mauubusan ng lupa.

Sa utak ko, sinabi ko sa sarili ko, bibigyan ko ‘to ng 1 star out of 5 na rating pagbaba ko. ‘Yung mga ganitong driver dapat hindi pinagpapatuloy mag-drive sa EDSA! Imbes na makagaan e lalo pang nakakadagdag sa init ng ulo sa daan–

At tumunog ang kanyang cellphone.

“Hello? O anak. Oo, pauwi na si Papa. May hinahatid lang si Papa na pasahero tapos uuwi na ako. Ano’ng gusto mong pasalubong? Gusto mo Dunkin’ Donuts? ‘Yung parang dati, anak? Okay, sige. Hintayin mo ako ah? Love you, anak!”

Binaba na niya ang telepono. At napatigil ako sa pagrereklamo. At nung nakarating ako sa pupuntahan ko, pagbaba ko, tinanong ng Uber kung ano ang rating ko sa driver.

Ayun, 5 stars.#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s