The Lion King (Broadway, Minskoff Theater)

  
I have been warned–boring daw, underwhelming, marami pang ibang okay sa Broadway…pero nung namatay na ang ilaw, at narinig ko na ang pamilyar na hiyaw–oo, ‘yung hiyaw na ‘yun, alam mo ‘yun, ‘di ba?–ako ay bumalik sa pagkabata, at sa isang iglap, ako ay Grade 4 na muli.

Naiyak ako sa Blackbird, naiyak ako sa Avenue Q, pero hindi ko inexpect na paiiyakin ako ng The Lion King, na para bang mga tao din silang may emosyon. 

Nung umpisa, kahit hanggang intermission, okay pa ‘ko eh, pero nung simula nang kantahin ni Timon ang “I can see what’s happening/ and they don’t have a clue” na Broadway version intro na pala ng “Can You Fee the Love Tonight?”, wala na, naiyak na ‘ko. Hindi ko alam bakit, e si Simba at Nala lang naman ‘tong kumakanta at nagkaka-inlaban, bakit ako umiiyak?!? Leon ba ‘ko? Ako ba nagluwal sa kanila?

Oo, nasa-starstruck ako sa artista, pero iba ang pagka-starstruck ko kay Pumbaa at Timon! Shet, 2D lang sila dati, pero ngayon, hayup na silang talaga! Pasensya na kung sumabay ako sa Hakuna Matata. Naging motto ko rin ‘yan sa slumbook nang maraming buwan. Because it means no worries.

Nung natapos na ang palabas, isa kami ni Dan sa mga unang tumayo para mag-standing ovation. Ang lakas ng palakpak namin, hindi natatapos–parang mga palakpak ng mga Grade 4 students na wala pang masyadong alam sa buhay kundi ten-twenty, patintero, at tunay na pagkakaibigan. Na ang mga hero ay mga leon pa, mga dinosaur, at mga cartoons na 2D. Hay, they don’t make movies like Lion King anymore.
Maraming salamat, The Lion King, sa tatlong oras na pagbabalik sa pagkabata at pagpapaalalang, tumatanda na nga tayo, iba na ang mga gusto, mga pangarap at problema sa buhay, at hay, what we’ll give to be kids again.#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s