1 Michelin Star, Osaka, Japan: masa


Hindi nakaka-Project 8, oo, but eating at Michelin star-rated restaurants in cities we visit has been a fascination. Kahit 1 star lang, ma-feel lang ang feeling na sa Ayala Alabang nakatira. Try natin ‘tong review-review, pero San Joaquin-style pa rin.

Here’s our Osaka find:

Masa

Cuisine: Soba

Address: 1-16-12 Utsubohonmachi, Nishi-ku, Osaka

Rating: 1 Michelin star

Price: approx PhP2,000/pax

Note: No photos allowed inside, kaya exterior at kalsada na lang kinunan ko. Unassuming and quiet street, sino’ng mag-aakalang nandito si Michelin?

Ah, so ganito pala ang lasa ng totoong soba. Sensya, bilang soba from the root word Yakisoba lang ang alam kong soba. Nanibago pa ang MSG-trained taste buds ko sa white cold soba, pero okay naman. (Shet, hindi nakaka-foodie ang okay naman, pero ganun talaga, okay naman!) Dan is a soba fan, at sabi niya, super sarap daw. (Hindi na naman nakaka-foodie ang “sarap”, pero bakit ba, foodie ba ‘ko?!) Best soba he’s had, he said. Sabehhh.

Pero ang pinaka-bet ko ay ang tempura with sushi roll. Sumkinda may tempura sa loob ng sushi roll (sabi ko nga, kaya ‘yun ang tawag eh). Siguro kasi mahilig talaga ako sa sushi, at familiar ang dila ko sa tempura. Ah so ganun pala ang sawsawan ng tempura–hindi matamis? Sa Tokyo Tokyo kasi na-train ang dila ko sa tempura sauce, sarrehhh.

Si ateng may-ari ay super-super friendly. Inexplain niya ang mga fudam sa menu na naka-Japanese (walang English menu, so that’s a good thing, they say). Paulit-ulit naming sinabi ang oishi! (delicious!) at saikou! (excellent!) kay ate, at sa sobrang tuwa niya, binigyan niya kami ng orange peel chocolate for dessert, compliments of the chef. Ang sarap nung panghimagas, bilang diabetic ang dila ko! Thank you, chef! Oishi, saikou, kampai! Ay, sa alak pala yun, sarrehhh.

Over-all, if you like soba, gora na sa Masa!##

This post can also be seen here: http://www.thepoortraveler.net/2016/03/michelin-star-sobakiri-masa-osaka-japan-antoinette-jadaone/

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s