Sana umibig tayo na parang noong unang beses tayong nakikita ng bulalakaw

Nung unang beses akong nakakita ng shooting star, hindi ako nakapag-wish. Manghang-mangha ako, gulat na gulat ako, gandang-ganda ako sa pagkakita ng bulalakaw na nakalimutan kong humiling, di-gaya ng nai-practice ko nang maraming beses sa utak ko.

Ganun pala ‘yun. Kapag nasa harap mo na ang shooting star, at sa unang pagkakataon ay bumabagsak siya mula sa langit na tinitingala mo, makakalimutan mo ang lahat. Makakalimutan mong pwede ka nga palang humiling, na sana mahalin ka rin niya, na sana hindi ka na masaktan, na sana makalimutan mo na siya, mawawala ka sa wisyo, at ang maiisip mo lang, sa loob ng isa, dalawa, tatlong segundo, putang ina, may shooting star na bumabagsak sa harap mo. Ang magagawa mo lang, magulat, mamangha. At sa hudyat na maalala mong makakahiling ka nga pala, wala na. Tapos na. Nakadaan na ang bulalakaw. Pero sa loob-loob mo, sa totoo lang, okay lang. Nakakita ka na ng shooting star, at iyon pa lang, sapat na.

Sana ganon tayo magmahal, ‘no? Sana umibig tayo na parang noong unang beses tayong nakikita ng bulalakaw. ‘Yung magmamahal ka lang, nang di naiisip, nang di maaalala na masakit nga pala, na pwede ka nga palang masaktan, na pwede ka nga palang mabigo, basta, magmamahal ka lang. At pag natapos na, pag nawala na, saka mo pa lang maiisip na, putang ina, masakit nga pala, pwede nga pala akong masaktan, pwede nga pala akong mabigo. Pero maiisip mo na lang ang una mong bulalakaw, at kung gaano kasayang sa wakas ay makikita mo itong bumabagsak mula sa langit, na sa kabila ng lahat ng sakit at ng pag-iyak, nagpapasalamat ka pa rin. Nagmahal ka, at iyon pa lang, sapat na.#

5 Comments Add yours

  1. maannryatoni says:

    Direk, congratulations sa inyong lahat sa OTWOL team, kahit ang sakit-sakit, kahit iyak ako ng iyak. Ang gagaling nyo lahat. Akala ko magagalit ako ng husto kay Leah, hindi pala. Pareho silang may mali, pareho silang may tama, pareho silang nagmamahal, pareho silang nakapagbitaw ng masasakit na salita kaya nasaktan nilang dalawa ang isa’t-isa. Dati kay Clark lang ako dahil maraming pagkukulang si Leah, pero mas naintindihan ko sya. Salamat direk, kakaiba ang inyong teleserye.

    James and Nadine gave a great performance! BRAVO!

    OTWOL is the best! CONGRATULATIONS!

    Looking forward to the ending, kapit lang kami. Walang bibitaw. 👏👏👏

  2. popstahreghz says:

    Reblogged this on Welcome to my Maldita World!🙂 and commented:
    💚💚💚

  3. Grace says:

    Napa-hayy nalang ako sa dulo. Ang ganda.

    1. ilayaonline says:

      Thank you naman.🙂

  4. Mona says:

    Ang pagmamahal ay sapat na.❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s