Tears of Joy

Nasa tea shop ako ngayon, magsusulat dapat. Pero hindi ko mapigilang magbasa ng mga tweets, posts, tags at mentions tungkol sa That Thing Called Tadhana. Patawad, Lord, patawad, kung sumusobra na ang pagmamahal ko sa pelikulang ito. Hindi ako maka-move on. Pinanood ko na naman ang Tadhana kanina sa sinehan, sa SM North, pang-ilang beses ko na bang panood, hindi ko na alam. Patawad, Lord, patawad, kung inuuna ko iyon, at ito, kaysa magtrabaho at magsulat ng panibagong script.

Lord, patawad, namnamin ko lang po, habang nandito pa. Alam ko pagkatapos ng ilang araw, ilang linggo, mawawala na sa sinehan ang Tadhana, mapapalitan ng mga bagong pelikula, makakalimutan rin ito ng mga tao, kaya Lord, patawad. Gusto kong habulin ang pakiramdam na ito habang nandito pa. Kailangan kong isaulo ang ganitong pakiramdam. Para kapag gagawa na muli ako ng pelikula, at tinatamad ako, o nawawalan ng gana, mapapagod, gusto ba mag-quit, gusto na mag-give up, babalikan ko ang panahong ito, ang panahong nagawa ko, naming lahat itong That Thing Called Tadhana, at mabilis kong maaalala, ah, ito nga pala ang dahilan kung bakit ka gumagawa ng pelikula, para sa ganitong mga gabing nakatambay sa isang tea shop, na dapat magsusulat ka, pero makakabasa ka tweets, posts, tags at mentions tungkol sa iyong pelikula, at ewan mo ba, napasisimple lang naman nila, pero ewan mo ba, kung bakit naiiyak ka.#

21 Comments Add yours

  1. Karla says:

    Congrats, Direk Tonet! Napakalaki po talaga ng paghanga ko sa talento na meron kayo.๐Ÿ™‚ maraming salamat po sa pagiging inspirasyon.๐Ÿ™‚

    1. ilayaonline says:

      Salamat โค๏ธโค๏ธโค๏ธ

  2. Napanood ko po ito kagabi with my friends, talaga namang nag-enjoy kami. Worth it ika nga.

    Napakahusay niyo po magsulat. Simple pero tagos.๐Ÿ™‚

    1. ilayaonline says:

      Ay jusko maraming salamat โค๏ธ

  3. Mizzi Alihan says:

    Hindi lang kasi tweet o status yung naibigay ninyo sa amin, binigyan niyo kami ng lasang kapeng barako na movie. Yun bang masarap inumin, pero mapait. Yung ramdam mo parin kahit tapos mo nang inumin. Yon mismo. Congratulations po. Mabuhay kayo!

  4. babsmilante says:

    Reblogged this on Kalma, may xxl pa. and commented:
    :”>

  5. Meliza says:

    Hello po. Tama po yan, habang andito pa ay namnamin. Pero naniniwala po ako na hindi basta-basta makakalimutan ng mga tao ang pelikulang ito. Congratulations po! Inspiration nga po para wag tamadin, wag mawalan ng gana, wag mag-give up. Sana po ay makagawa pa kayo ng maraming pelikulang gaya nito. Ramdam ko po kung bakit kayo naiiyak.๐Ÿ™‚

  6. pajammy says:

    Namnamin mo ng todo, you deserve it, loka.

    Napakarami naming pinasaya ng dream project mo. โค๏ธ

    Can’t wait for the next one!

  7. chino says:

    yown. tume tea shop ka na ngayon direk ah. kahit kami di pa rin maka gey over sa tadhanafever eh. maraming thumbs up rekdi!

  8. Hi Direk! I linked your film and this site on my blog post! Sana gumawa ka pa ng mga pelikulang katulad nito. Padayon๐Ÿ™‚

    http://ofangelsandseagulls.blogspot.com/2015/02/on-heartbreaks-and-films.html

  9. Wannie says:

    Sana marami ka pa pong gawing movies!๐Ÿ™‚

  10. tintacols says:

    Hi, direk. This msg was originally intended to be a comment in one of your IG posts re That Thing Called Tadhana. Good thing nakita ko that you have a blog site at mas winner kung dito ako mag comment. Medyo mahaba kasi.๐Ÿ™‚

    Great film po. I’m a big fan of R. Linklater’s works,the Before saga in particular. That to me is the best albeit lowest grossing trilogy of all time. Kebs.
    Tuwang tuwa ako with That Thing Called Tadhana. Mace and Anthony remind me of Celine and Jesse. The more relatable version. Hehe Ang ganda ho ng ginawa niyo. Nakaka proud.
    It’s been my long time hope na sana magkaroon ng mala Before level of approach with our local films where the story is mainly about the simplicity of human interaction and the depiction of true human emotions. Mabuhay talaga ang dialogue films lalo na kung winner ang storyline at #hugots.Woohooo!
    Again po, ang ganda ng pelikula niyo. Promise, direk. I love you na.
    Kinilig ako kay Anthony habang awang-awa ako kay Mace.
    Kung may part 2 man (sana meron), hopefully soon. Kahit pa sabihin na this was somehow inspired by Before Sunrise (as per a review by Rappler that I reas), please don’t wait for 9 years bago magka sequel. Next year na if possible. Please. God bless you todo-todo!

  11. tintacols says:

    Hi, direk. This msg was originally intended to be a comment in one of your IG posts re That Thing Called Tadhana. Good thing nakita ko that you have a blog site at mas winner kung dito ako mag comment. Medyo mahaba kasi.๐Ÿ™‚

    Great film po. I’m a big fan of R. Linklater’s works,the Before saga in particular. That to me is the best albeit lowest grossing trilogy of all time. Kebs.
    Tuwang tuwa ako with That Thing Called Tadhana. Mace and Anthony remind me of Celine and Jesse. The more relatable version. Hehe Ang ganda ho ng ginawa niyo. Nakaka proud.
    It’s been my long time hope na sana magkaroon ng mala Before level of approach with our local films where the story is mainly about the simplicity of human interaction and the depiction of true human emotions. Mabuhay talaga ang dialogue films lalo na kung winner ang storyline at #hugots.Woohooo!
    Again po, ang ganda ng pelikula niyo. Promise, direk. I love you na.
    Kinilig ako kay Anthony habang awang-awa ako kay Mace.
    Kung may part 2 man (sana meron), hopefully soon. Kahit pa sabihin na this was somehow inspired by Before Sunrise (as per a review by Rappler that I read), please don’t wait for 9 years bago magka sequel. Next year na if possible. Please. God bless you todo-todo!

    1. ilayaonline says:

      Salamat nang marami๐Ÿ™‚

  12. Tims says:

    yey. more movies na may katuturan.

  13. twistedbade says:

    what made this movie TAGOS (ala JL)hehe is that its very simple yet, straight to the point.:) walang palabok, walang kaartehan. Plus great actors pa.. Kaya swak na swak. Just what pinoys need sa hirap ng buhay ngayon. Galing!clap clap!

  14. Hi! Naisip ko lang kung kayo po ba ay may mga nakatakdang panahon para sa screenwritng workshops or something like that. I’ve seen your movie, That Thing Called Tadhana and learned that it won a Palanca pala. Quite late, but congratulations! I’ve bucket-listed writing a script, but I don’t know the technical side of writing one. May istorya sa memorya, ngunit wala akong aral sa pagsusulat. Of course, the internet is abot-kamay naman, but it would be awesome if magmula sa isang tulad ninyong premyadong manunulat ang mga tips baga.๐Ÿ™‚

    1. ilayaonline says:

      Uy salamat.๐Ÿ™‚ nagkaroon once pero di na naulit! Sana magkaroon uli!

      1. Thanks, Direk! I know someone you know well. I’m just not sure if he remembers me coz when I mentioned him sa twitter, he did not reply (or maybe because he couldn’t because of my privacy settings). We went to the same school – he as a student, I as a teacher. Kaya lang wala akong direct hold sa kaniya dahil iba Eng teacher niya being on the cream section, but I loved (I still do) his very animated and positive personality. (Kris Gazmen) I don’t watch Fil movies that much, but I got the chance to see another one of yours and I wouldn’t mind watching one again if they are as awesome as yours. Amazing job, Direk!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s