Katangahan

20140711-222626-80786231.jpg

Nung 10 ako, nag-volunteer akong bantayan ang sari-sari store namin. Pakiramdam ko, kahera ako sa SM na magaling sa math. May bumiling mama, magkano raw yung Ligo na sardinas. Tiningnan ko yung de lata; walang nakasulat na presyo. Tiningnan ko yung mga papel sa gilid; wala ring price list. Tiningnan ko hanggang dulo ng utak ko; bobo rin siya sa presyong sardinas. Dahil kahera-kaherahan ng SM ako, sinabi ko sa sarili ko: alam mo dapat ang presyo, wag kang magtanong, nakakahiya, baka sabihin tatanga-tanga kang kahera e 10 years old ka na. Na-peer pressure ako ng aking utak, at ayun, nagpaka-matalino ako kahit wala akong ideya kung magkano ang isang Ligo.

“Dalawang piso po ang isa.” Nung nakita kong nagulat ang kunot na noo nung mama at sinabing, “Sige, bibilhin ko lahat,” alam ko nang may mali sa sinabi ko, alam ko nang tanga, saan ka nakakita ng sardinas na dalawang piso?! At naiyak na lang ang nanay ko nung nalamang naubos ang sardinas namin sa halagang P24 lang. Pasensya, 10 years old lang. Chikadees at Bazooka po ang specialty ko, hindi kumplikadong mga bilihin. Ayun, sa murang edad, natutunan ko: okay lang maging tanga. Ang problema e kapag natapat ka sa gagantsuhin ka.#

One Comment Add yours

  1. theadamantine says:

    yun lang. dalawang piso lang eh hehehehe :)))

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s