Ang Alamat ng Makuha Ka Sa Tingin

Noong unang panahon, sinubukan ko ang sikat na sikat na ice cream ng Family Mart. Dahil first time ko’t hindi pa marunong mag-twirl and swirl, nagpatulong ako kay Ateng Kahera. Pinaunlakan naman niya ang request ko, nakangiti pa.

At inumpisahan niyang i-twirl at i-swirl ang aking Strawberry and Green Tea Mix-flavored ice cream. Twirl and swirl and twirl and swirl pa. Hanggang ang taas na ng ice cream ko at perpektong-perpekto, parang nasa piktyur. Nakangiti niyang inabot sa akin ang ice cream, sabik na sabik sa first ever Family Mart sorbetes ko. At pag-abot niya sa akin, biglang nahulog sa kamay ko ang mataas na ice cream. Sa kamay ko napunta ang first ever Family Mart ice cream ko.

Tiningnan ko si Ateng Kahera, sabay sabi sa’kin: “Ay ma’am, single serve lang po, sorry.”

At nung segundong iyon ay gusto kong ilamutak sa pagmumukha nyang pa-sweet ang pink at green na malamig at maraming-maraming sorbetes sa kamay ko. Isasalampak ko sa mukha niya at papaikut-ikutin sa buhok niya hanggang lagkitin siya.

Biglang kinuha ni Ateng Kahera ang apa sa isa kong kamay at nag-twirl and swirl uli ng ice cream na dapat daw ay single serve ma’am, sorry.

At iyan ang alamat ng makuha ka sa tingin.##

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s