Selective Amnesia

Tuwing napapadpad ako sa Bagtikan sa Makati, naaalala ko lagi nung fresh grad pa ako’t abang production assistant trainee pa lamang sa isang advertising production house. Kung saan ako nasigawan, nasabihang “Get out! I don’t want to see your face!”, napahiya sa mga kliyente at mga taga-ahensiya, at napalayas sa meeting ng isang menopausal na bosing sa ahensiya. Hindi ko alam kung bakit sa akin siya bigla nagalit. Basta pagkasabi niya nun, pinigil ko ang luha ko, binuksan ang pinto, at lumabas ng kwarto. Pinipigil pa rin ang luha, lumabas ako ng office. At pinipigil pa rin ang luha, lumabas ako ng building. Paglabas ko ng building, doon na ako umiyak. At sinabi ko sarili ko, ‘tang ina niya, hinding-hindi ko kakalimutan ang pangalan n’ya’t balang araw, babalikan ko siya at palalabasin ko rin siya ng kwarto dahil wala lang, trip ko lang, galit ako eh.

Ngayon, six years after, hindi ko na maalala ang pangalan niya.#

2 Comments Add yours

  1. Tims says:

    Pag talaga hindi kasama sa priority mo, hindi rin ma-take note ng memorya eh noh?

  2. Argh. Sana napanood niya ang Tadhana, tapos maaalala ka niya.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s