Update lang

Gusto ko ‘tong desisyon kong di muna magtrabaho sa TV pansamantala. Oo, walang pera, gapang kung gapang, pero masaya. May panahon akong matuto magluto–hindi ng pasta ha, ang dali-dali lang nun, lahat nakakaluto ng pasta–ng ulam, at ehem, natuto na ako. Marunong na akong mag-caldereta, menudo, arroz ala cubana, binagoongang baboy, tinola, sinigang, adobo, among others. Naks, among others. At sabi ng mga nakatikim, masarap daw. Subukan nilang sabihin hindi masarap, wala kayong tanghalian bukas! Specialty ko ang Cheesy Caldereta ala Tonet. Alam ko na ang fallback ko. Catering business.

Nakakapagsulat na rin ako ngayon, ng ilang script, ng ilang article para sa Philippine Star. Naaasikaso ko yung negosyo-negosyohan namin na planners. Nakakapag-travel ako paminsan-minsan pag naiinvite sa mga film festival. Nakakapagpamasahe sa Tonton’s, nakakanood ng sine, mapa-Star Cinema o otherwise. Nakakapagkape, nakakapagdinner. Nakakapag-treadmill para hindi na ako mapagkamalang bagong panganak. At for the first time yata in several years ay nakakatulog ako nang more than four hours.

Yun nga lang, walang pera.

Okey lang, masarap naman caldereta ko. That’s what matters, right?

//

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s