Anak, 28 na ‘ko ngayon at ang daming bagay na sana sinabi sa’kin nung hindi pa ako tumatanda, kaya ngayon sasabihin ko na sa’yo, at sana makinig ka, para pagdating mo ng 28, ayokong makakakita ng sinulat mo na sana nasabihan ka ng mga ito bago ka tumanda (work in progress)

1. Anak, alam kong baduy mag-tuck in ng t-shirt sa pantalon, pero mag-tuck in ka. Mag-tuck in ka hanggang kaya mo pa. Pagtanda mo, gugustuhin mong mag-tuck in pero ang laki na ng tiyan mo. Hindi lang baduy, nakakadiri na. 2. Huwag kang magagalit sa’kin kung hindi kita pinag-Reyna Elena. Hindi sa walang kumukuha sa’yo….