Mabuti akong girlfriend, sasamahan ko siyang manood ng Piranha 3DD

Siguro bilang kabayaran sa pagpilit sa kanyang samahan akong manood ng mga pelikula nina John Lloyd, Bea Alonzo, Sarah Geronimo, Piolo Pascual at Angelica Panganiban, kailangan kong samahan si Michael sa mga pelikulang ayaw ko–yung may mga superhero, may barilan, may dugo, may robot. At yung may mga malalanding piranha na kumakain ng malalaking boobs…