Mababaw talaga ang kaligayahan ko, at ang mga mababaw na bagay na tulad nito, ito ang malalim para sa akin

Hindi kasi masalita si Michael. Paborito nyang reply sa mga mahahaba’t makabagbag-damdamin kong text ay: “Ahhhh”. At nung nagsabog si Bathala ng kalambingan, nakatulog siya, napuyat dahil inumaga sa pila ng pagka-“too cool to care”.

Kinalikot ko ang Drafts folder sa celfone nya nung isang araw. Sa paligid ng mga URL ng mga websites ng ida-download nyang mga Naruto episodes, among other male things, may mga nabasa ako’t napangiti ako, at napabuntung-hininga.

Kaya pala sa tuwing magtataxi ako pauwi, hindi siya bibitaw ng tingin hanggang makaalis ako, sabay kuha ng celfone at may itetext. Matatanggap ko agad ang: “Ingat ka” o “Magtext ka pag-uwi mo.” Pero bukod dun, may iba pa pala siyang itina-type:

THY346, TWG698, TTY234, TRV976, TGX786, at iba pa, ang dami.

Ang sarap pala talaga masorpresa.

3 Comments Add yours

  1. those plate numbers❤

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s