Here’s to the crazy ones

Yung mga ganitong mga salita, ganyang-ganyan yung mga kinahumalingan ko noong college hanggang kaka-graduate ko pa lang sa UP. Alam mo yun eh, yung mga panahong akala mo e kaya mong baguhin ang mundo kasi sabi ng mga pinakanirerespeto mong mga guro e “brilliant” ka raw , e nanggatong pa ng “brilliant ka nga talaga” ang mga pinakamalalapit mong kaibigan, na alam mong hindi ka binobola, kasi sus, nakasama mo nga sila sa loob ng 48 oras nang di naliligo matapos lang ang tisis nyo, maglolokohan pa ba kayo?, kahit na sa likod ng utak mo, iniisip mong, syet, ang big word naman ng “brilliant” pero parang ang dali naman bitawan nun, isang dosenang paligong bilis lang ang nilamang ng pagbitaw sa “putang ina”, pero hindi mo na iisipin yun, don’t rain on my parade no, please, at ako pa ang magpapa-rain? Neknek mo.

Pero nung nabasa ko ito, alam kong kailangan kong itago. Limang taon na akong wala sa UP, kung saan ko unang narinig ang “brilliant”, kung saan ko unang dinesisyunang magiging direktor ako balang araw, kung saan ko unang ginustong baguhin ang mundo kasama ng mga kaibigan kong ganoon din ang pakay. Hindi ko pa rin nababago ang mundo, kahit mga kaibigan ko, hindi pa rin nababago ang mundo. Kasi kapag 27 ka na, minsan kahit 25 pa lang nga, e lalo siguro kapag 30 ka na, dalawa lang yan eh: (1) sigurado ka nang hindi mo na mababago ang mundo, hello, nababaliw ka na ba?, o madalas, (2) nakalimutan mo nang, ay oo nga pala, gusto mo nga pala dating baguhin ang mundo.

Kaya siguro nga, kailangan ko itong itago. Alam ko nang hindi ko talaga mababago ang mundo, hello, nababaliw na ba ‘ko?, pero yung mga ganitong salita, nakaka-miss diba?, na ang sarap-sarap maniwala. . .uli. Kunsabagay, limang taon pa lang naman.

Limang taon pa lang ba? Sus, alang-alala ko pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s