Anak, kung sakaling gusto mong maging direktor balang araw

Anak, kung sakaling gusto mong maging direktor
balang araw:

Hwag kang gagawa ng pelikula nang wala kang pera
nang wala kang ipon
nang wala kang kumpyansa
nang wala kang alam
Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handa
nang hindi ka handang masabihang
“ang pangit ng ginawa mo”, “di hamak
namang mas maganda ang magagawa ko riyan”
nang hindi ka handang malamang
hindi ka pala magaling, di-tulad ng pinaniwala ko sa iyo
o ng iyong mga guro, o ng iyong mga kaibigan.

Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handang
mawalan ng pera, ng ipon
magkautang, at magkautang pa,
mawalan ng kaibigan at/o magkaroon ng kaaway,
nang hindi ka handang masaktan, mabigo,
mabigo ang sarili,
ako, o ang iyong mga guro, o ang iyong mga kaibigan
na napaniwala mong magaling ka
sa loob ng kay raming taon bago ka
sinuwerteng gumawa nitong pelikula.

Hwag kang gagawa ng pelikula nang hindi ka handang
mabaliw, tulad ng:
magising ng alas-dos ng umaga at biglang luluha ka na lang
dahil ang pangit ng mga nakunan mo, kung pwede lang ulitin lahat;
o dahil gusto mo pang mapaganda, ngunit wala ka nang pera;
o dahil gusto mo nang matapos lahat, dahil pagod na pagod
na pagod
na pagod
ka na.

Pero anak, kung sakaling gusto mo talagang maging direktor balang araw
ngunit wala kang pera, wala kang ipon,
at nababaliw at naluluha ka ng alas-dos ng umaga,
kung sakaling gusto mo talagang maging direktor balang araw
ngunit tingin mo’y hindi ka handa,
o walang sapat na mga taong nagtitiwala,

Gumawa ka pa rin ng pelikula,

dahil iyan palang pagnanais mong gumawa ng pelikula, anak,
sa palagay ko,
sapat na.

13 Comments Add yours

  1. ishg says:

    sana nawa’y naririnig mo ang palakpak ko galing dito. =P

  2. maybz says:

    LOL..natawa namn ako d2

  3. Kent says:

    this is nice.. haha.. cool

  4. Cathy says:

    Iyak ako ng iyak sa inspirasyon binigay mo sa pinakabasag na estado ng buhay ko.

  5. ailovera says:

    Naiyak ako. Pambihira ,nurse ako pero gusto ko gumawa ng pelikula. Ewan ko kung bakit. Kung paano at kelan nagsimula.

    Alas dos na ngayon ng umaga. Naiiyak ako.Salamat direk.

  6. fatkidmeetsthechef says:

    This is nice direk😊 gustong gusto ko din gumawa ng pelikula ngunit huli ko na nalaman na yun pala gusto kong gawin sa buhay. Bukas po ba kayo sa mga ideas na pwde i.pitch para sa isang pelikula?

  7. napakaganda naman nito direk. Gusto ko din gumawa ng pelikula ngunit huli na ng nalaman kong yun pala ang gusto kong gawin. Bukas ka ba sa mga idea galing sa ibang tao para sa isang istorya na maari mong gawin?

  8. ' says:

    Isa akong guro ng syensya pero gusto ko magsulat ng tula at ng mga storya.

  9. Galing mo talaga Direk, dahil sayo pinasok ko ang mundo ng blogging. Nga pala I’m an accountancy student pero gusto ko rin maging direktor o scriptwriter balang araw kaso anlabo na, ngayon ko pa narealize di pala ako marunong magsulat. Wala akong talento sa mga ganyan, gumuho bigla mundo ko.huhu

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s