may nabubuang ba kaka-revise ng script?

Iko-coma ko ba ‘yung bida? Gusto ko ‘yun, kasi challenging, na ilalabas mo yung galing nya gamit lang ang kaunting sequences. Saka naalala mo ‘yung sabi ni Ma’am Laurice na hindi naman ganun ka-endearing ang mukha ni Lilia na masaya siyang tignan sa loob ng 1hr20mins? Kaya baka nga dapat kontian ang mga eksena nya, at gamitin ang tulong ng mga supporting characters.

Eh kaso nga lang, bida, tapos naka-coma lang pala siya halong buong pelikula? Sabi pa nga ni Bebs, “hahaha”. Ang sabi nga rin ni Glenn, baka maging support na lang siya sa sarili nyang pelikula. Eh ang naisip ko naman, dapat ba conscious effort na gawing bida dito si Lilia? Oo, ‘yun ang expectation, pero hindi naman required. Edi para na rin palang Star Cinema ito na “isip ka ng concept for Gerald and Kim” o “may pelikula tayo, si John Lloyd at Bea ang bida, ano’ng pwedeng kwento?” Ang naisip ko, basta ang pelikulang ito ay tungkol kay Lilia Cuntapay, pero hindi ko naman sinabing mabubuo ang kwento niya nang walang tulong ng ibang tao sa paligid nya.

Hay, Sabado na. Isang araw na lang, tapos na ang bakasyon. Ibig sabihin, simula na talaga ng trabaho, meetings at pre-production para dito sa pelikula. E pa’no yan, wala pa nga akong matinong script? Ano’ng tatrabahuhin ko? Edi ito’ng script, hello! Tanga ka?

Sapat ba ang oras ko? October daw ang film festival, so ibig sabihin mga July ang shooting para may isang buwan para sa editing at sound design. Kaya ko ba matapos yun? Kaya ko ba? Kaya ko na ba mag-direk ng full-length? Baka naman hilaw pa ako, baka naman hindi pa ako ready. Baka naman sa short films lang talaga ako dapat. Baka pinagsisiksikan ko lang ang sarili ko sa full-length, e ang kaya lang ng powers ko e short film.

Binasa ko uli ‘yung isang article sa’kin ni Alexis. Sabi nya, “She is one filmmaker whose work I seriously believe would make for good commercial cinema. Here’s to hoping she gets her break soon, and is given the freedom she deserves to make it in the manner she wants.” Tinignan ko ang date: 2006. Five years ago. Ako pa ba yun? Ganun pa rin kaya ang tingin nya? Pero natutuwa ako sa Cinema One, kasi hinayaan nila ako sa treatment na gusto ko. Sa pitch ha. Baka nga ito yung “freedom” na sinasabi ni Alexis.

Parang ayoko na pala i-coma si Lilia. Na-dead end ako sa Seq36 e. Parang wala nang exciting na mangyayari. Ibalik ko na lang kaya sa dating kwento? Tapos ihalo ko ‘yung kwento nung isa ko pang concept na kinalimutan ko na, tutal mahal ko ‘yung concept na ‘yun, at mahirap tuluyang itapon. Kaso nga lang, mawawala yung backdrop ko na kalagayan ng mga public hospitals sa Maynila. Gusto ko pa naman talaga isama ‘yun bilang ‘yung isa kong kaibigan e nag-huramentado sa ospital nung hindi inasikaso ‘yung isang nag-aagaw-buhay dahil walang pambayad ng P50. E siya, bugbog-sarado lang, inuna pa. Wow, ang bigat, parang hindi ako. Backdrop lang naman, parang character din yung location na yun. Kaso nga lang, mawawala na nga talaga yun dun sa bagong storyline. Well, sabi nga nila, gaano man kalapit o kaganda sayo yung eksena at shot, kapag kailangang itapon, itapon mo. Ang tawag dun, maturity.

Ang sakit na ng ulo ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin. O masyado lang talaga akong maisip na tao? Masyado ako’ng fickle? Kanina habang naglalaro ako ng spider Solitaire, iniisip ko si Lilia. Mako-coma ba siya? Habang nanonood ako ng Magnolia, iniisip ko si Lilia. Mako-coma ba siya? Habang tinatapos ko ang Lupang Hinirang sa sign-in ng GMA, iniisip ko si Lilia. Mako-coma ba siya?

Sorry, hindi ko pa rin alam, pwede bang sorry? Ano’ng sorry-sorry, sa presinto ka magpaliwanag!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s