aysus, mga kabataan talaga ngayon

“Pagsabihan mo nga yang kapatid mo,” sabi sa’kin ni Mama. “Naglinis ako ng kwarto, may nakita ‘kong mga resibo ng mga restaurant. May P3,000, may P2,000, may P2,500. Ang mamahal naman ng kinakainan nya, hindi naman kalakihan ang sweldo nya.”

May nakita pa raw siyang resibo ng digital photo frame, P8,000. “Dyos ko,” sabi ni Mama, “ang mahal namang photo frame nun, ano yun, ireregalo nya sa girlfriend nya? Sobra naman yun!” Halos kaka-graduate pa lang kasi ng kapatid ko, pero alam mo naman ang lifestyle ng mga kabataan ngayon. Kung the best things in life are free man, the second best, they cost a lot.

At sumapit ang Pasko, ang alas-dose ng gabi, ang pagdating ni Santa, at ang bigayan ng mga regalo. Inabot ng kapatid ko ang regalo niya sa’min, may generic card na “Merry Christmas”, alam mo naman ang mga lalaki. Si Mama ang nagbukas ng regalo. At nakita nya ang laman:

Digital photo frame.

Lang naman.#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s