Hinagpis ng isang babaeng iniwan na nga, ipinagpalit pa sa “hindi kagandahan”

“Ang kapal ng mukha nya! Taga-UP ako ha. At hindi lang taga-UP, cum laude pa ako! Tapos ipagpapalit lang nya ako dun sa pangit na yun na ewan ko kung saan galing? Ang pangit nya ha, as in grabeng pangit! Tignan mo yung Facebook nya, dali, tignan mo! I-type mo pangalan nya, dali, i-type mo! O, nakita mo na yung profile pic? Nakita mo na? O diba, ang kapal ng mukha mag-pose ng close-up ng mukha nya, pumaling pa sa kaliwa, kita pa rin naman double chin nya, gandang-ganda sa sarili! Hoy, ang pangit mo, wag ka ngang maka-smile dyan na parang left ang angle mo! Mag-comment ka nga sa page nya, sige na, mag-comment ka please, nang mahimasmasan naman siya. Hindi naman sa nagyayabang ako ha, pero naman, kahit magpakalbo ako, mas maganda naman ako diyan, diba? Diba? Hoy, sumagot ka, diba mas maganda naman ako dyan? Walang bias ng friendship ha, diba, diba, diba? Kung hindi lang ako gaga e sana pinagsabay ko na lang sila ni ano, ano nga bang pangalan nung friend ni ano? Yung text nang text sakin? Oo, yung gwapo pag galit! Pero hindi, siya pa rin ang pinili ko, dahil mahal ko siya! Tapos gaganituhin lang nya ako? Ang kapal talaga ng mukha niya! Magsama silang dalawa ng pangit na yun! Tapos tignan mo nga yung profile nya ha, tignan mo! Nakita mo na? Yung sa gilid! The Alchemist pa ang naka-quote, as if naman nabasa nya talaga nang buo! If I know, ginoogle lang nya yun kasi nakaka-talino sa profile pag naka-quote si Paulo Coelho. Tapos tignan mo yung favorite books, tignan mo! Twilight series? Ano ba! Ipagpalit ba ako sa ang pinakamagandang nabasa na e ang Twilight? Excuse me naman, sorry naman kay Kundera ko at sa Einstein’s Dreams! Bakit? Ano’ng mali sa’kin, sabihin mo nga! Ginawa ko naman lahat ah! Wala siyang marereklamo sa’kin, sinunod ko lahat ng gusto niya, alam mo yan! Tapos ganito ang igaganti niya? I don’t deserve this! I don’t deserve this! Bakit ganun, bakit? Sabihin mo sakin, bakit?”

“Hayaan mo na sila. Ang tawag dun, true love.”

At ganun-ganun na lang, tumahimik ang kapaligiran.

6 Comments Add yours

  1. khalil says:

    hehehe!!

  2. Mary Grace says:

    so what? if love is truly blind

  3. KIzzel Mina says:

    Eto pala yung hugot ng lines sa Relaks, It’s Just Pag-ibig! Super like, direk! Kakarelate. haha.

  4. Natawa ako sa title, at naisip kong basahin ang content, mas natawa ako lalo! HAHAHA! Tanong ko lang, totoo bato? O gawa-gawa lang? Kung totoo to, kawawa naman yang babaeng yan! Kung gawa-gawa lang, ang galing ng pagkasulat😀

    1. ilayaonline says:

      Hahaha sikretong malupittttt

  5. iryneigh says:

    Bakit ko to nabasa nung panahon na… Ah basta, haahaha

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s