what’s up, good morning M

Dear M,

Hindi na kita iba-buzz sa Gmail kasi baka tulog ka pa, alam mo namang hindi ko na talaga na-memorize kung ilang oras ang pagitan ng Manila at Vancouver. Dadaldal lang naman kasi ako.

Yung isa kasing congressman dito, si Ronald Singson, anak ni Chavit–pamilyar sa’yo?, nandito ka pa naman nung EDSA Dos diba?–at boyfriend ni Lovi Poe–hindi siya pamilyar, wala ka na nung “sumikat” siya, pero oo, tama ang hinala mo, anak siya ni FPJ–nakasukan ng drug trafficking sa Hongkong. E nagdala ba naman ng 26.1 grams ng cocaine nung July 2010 e. Eto, nag-plead ng guilty sa Hongkong court. Actually nga daw, nagko-cocaine na talaga siya since 2004, on and off. Yung dala niya sa Hongkong, for personal consumption daw. Kinwento pa niya sa judge na na-depress daw kasi siya dahil nag-away sila ni Lovi kaya pumunta siyang Macau para mag-poker…at mag-cocaine? Ang mga mayayaman talaga, ano? Hanep makahanap ng location pang-LQ.

Anyway, ang maximum penalty ng drug trafficking sa Hongkong ay life imprisonment at multang HK$5 million (PhP28,435,646.59), at ang sentence kay Ronald ay naka-depende kung para sa kanya lang yung cocaine, o may iba pa siyang balak dun, alam mo na. Hindi ko tuloy mapigilang maghinala: kaya ba niya biglang sinabi sa judge ang kanyang detalyadong drug-dependency past, pati ang LQ niya sa girlfriend niya? O judgmental lang talaga ako, lalo sa mga politiko? E sorry, congressman kasi siya e, hindi Kagawad o Brgy. Captain o SK Chairman. Gumagawa siya ng batas, hindi basta pa-liga lang ng basketbol. Batas.

Yung isang ex-AFP chief naman dito, si Angelo Reyes–oo, siya nga, tutal lumilitaw naman lagi ang pangalan niya sa bawat administrasyon–, naakusahan na nabigyan ng at least PhP50 million bilang “pa-baon” nung nag-retire siya nung 2001. At nung kinwestiyon siya ng Senado tungkol dun, hindi siya nag-deny. Sabi lang nya, “Can I ask Colonel Rabusa [the whistleblower], if, during the time that I was chief of staff, if I became greedy? Did I ask him for anything?  Did I demand money from him, officially or unofficially?” Siguro nung estudyante pa si Reyes, siya yung tipong mahabang sumagot ng essay kahit hindi naman yun ang tinatanong, no? E pinasa naman ng teacher nya, masisisi mo ba siya? Sabi ni Rebusa, tradisyon daw kasi yun sa AFP, SOP, tipong needless to say, tipong open secret. Okay din tong AFP kung manikreto at magpa-baon e no? “Pa- baon” pa lang yung PhP50 million, paano pa kaya nung habang nasa posisyon pa siya–paano ba natin tatawagin yun, “pa-sweldo”?, “pa-kinsenas”? Magkano nga uli ang budget sa edukasyon, yung binawas nila sa budget sa UP?

So kamusta naman diyan sa Canada?

Love,
I

9 Comments Add yours

  1. Skytalker says:

    okay, ganito yun.

    step 1: anong oras na dyan sa manila?
    step 2: subtract 4 hours. so kung 2pm dyan, magiging 10am.
    step 3: baliktarin ang am saka pm. so yung 10am, magiging 10pm. so pag 2pm dyan, 10pm dito.

    ok? ok. (pero between march and october, yung minus 4, magiging minus 3, dahil sa daylight saving. hehehe.)

    oo na, oo na, it’s complicated.😛

    (sana maiba yung mga klase ng open secret sa pilipinas.)

  2. ilayaonline says:

    complicated nga! mas madali kung itanong na lang sayo hehe.

  3. Skytalker says:

    (pahabol)

    dito, anlaking skandalo nung isang opisyal na may lumutang na facebook pictures niyang wild habang nagpaparty nung mas bata pa siya nang konti. he lost his chance to run for re-election. facebook pictures lang yun ha. walang pangungurakot na kasali.

  4. ilayaonline says:

    (my blog’s time says 8:07am. so parehong hindi manila at vancouver time to haha.)

  5. ilayaonline says:

    at talagang may facebook siya no?

  6. Skytalker says:

    you know what else is a big deal here right now? a tour company killed 100 sled dogs because of a drop in demand for sled dog tours. people have been protesting and stuff. if people everywhere cared about each other as much as people here care about those dogs, maybe the world would be a better place.

  7. ilayaonline says:

    bakit nga nila pinatay?!?

  8. Skytalker says:

    they rent out the dogs for people who want to go snow sledding. eh wala nang demand. malakas last year, maraming tao dito for the winter olympics.

  9. ilayaonline says:

    kaya pinatay na lang? bat di na lang pinaampon, binenta??? haynku sila!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s