puro ka konsepto, puro ka drowing

Aminado naman akong hindi ako marunong magsulat ng script, bukod sa tama nga ang sabi ng isa kong kaibigan, “Puro ko konsepto! Puro ka drowing!”, (minsan nga pala, kaibigan ko rin ang sarili ko), kaya para makasulat na sa wakas, sumali ako sa isang scriptwriting workshop habang kauumpisa pa lang ng bagong taon. Subukan ko lang gawing mas napapanahon ang “ningas kugon”.

May mga schools of thought din pala ang pagsusulat ng script, ano? Merong mauuna muna ang ideya o konsepto, tapos saka ka magre-research ng katulad nun sa totoong buhay, o yung What If school of thought (e.g. “What if may manananggal na biglang bumisita sa Maynila? Okay, go. May nangyari na kayang ganun? Saan kaya?”). Hindi ko sinasadya, pero ito ang madalas kong gawin. Siguro dahil Hollywood at Star Cinema ang kinalakhan ko, o dahil sadyang mapaglaro lang ang utak ko, o dahil tamad talaga akong mag-research, o dahil mas natutuwa akong mag-imbento, o dahil ewan, e gusto ko e. Meron ding mauuna muna ang nangyari sa totoong buhay, o research, tapos saka mo gagawan ng ideya o konsepto, o yung What Is school of thought (e.g. “Ay, may mananaggal daw na nanggulo kagabi sa Tondo! Okay, go. Ano kayang pwedeng kwento dun?”). Yung pangalawang school of thought ang itinuro sa workshop.

Pagkatapos ng workshop, marami akong natutunan.

Isa na dun, na matigas pala talaga ang ulo ko.

3 Comments Add yours

  1. Skytalker says:

    dun ako sa pangalawa.

  2. Skytalker says:

    marunong ba ‘ko mag-imbento? feeling ko hindi ako marunong mag-imbento hehe

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s