hindi mo alam
pero madalas
naaalala kita.
at ang lahat ng
ipinadama mo
sa akin
na hanggang ngayo’y
hindi ko pa
naramdamang muli–
ang masabik, ang
magbilang ng
oras, minuto,
ng segundo,
ng kumpas ng relo
bago ka muli magpakita,
sa telepono, sa tawag, sa
kung saan mang naroon ka
at naroon ako,
at humudyat na
eto na
may permiso na tayo
ng isa’t isa
na mawala sa sandali, na
maniwala, na
umasa na
may naghihintay
sa dulo ng
sandaling ito

ngunit walang aamin
at walang umamin

na ito ay higit pa sa
isang laro, sa isang
pansamantala, sa isang
walang patutunguhan,
dahil pareho tayong takot
na masabihan ng
nahihibang ka na ba?, ng
hindi ka na ba nag-iisip?.

ngunit walang nakaaalam,
ni ikaw,
na mabigyan mo lang ako ng
hudyat, ng permiso
tulad ng
dati,
babalikan kita, at
magpapakahibang
ako, tayo
at hindi mag-iisip,

lumigaya lang muli.

One Comment Add yours

  1. maryrhosej says:

    Reblogged this on theseaoftrees and commented:
    ahh bakit ngayon ko lang nabasa ito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s