sequence treatment

Natapos na rin kita sa wakas. Una kitang naisip, two years ago na yata, basta matagal na. Nagagalit na nga sakin si Bebs kasi puro konsepto lang ako, puro drowing, puro excitement, wala namang nasusulat. Pero ewan ko ano’ng nangyari, bakit bigla na lang akong ginanahang isulat ka. Pagkatapos yata nung mapanood ko ang Donor sa Cinemalaya, na parang nabatukan ako na masarap siguro makagawa uli ng pelikula, o nung na-publish sa Youngblood yung isang sinulat ko, na parang nabatukan ako na masarap nga palang magsulat at mabasa, pero hindi na yun mahalaga. Basta nasulat na kita, konting edit-edit na lang, konting revise-revise, konting pabasa sa iba, hingi ng comment, konti na lang, pwede na kitang palayain. Pwede ka nang mawala sa mga kamay ko at ilipat sa kanila, sa hangin, sa tadhana, sa Universe na nagko-conspire daw basta gustuhin mo talaga ang isang bagay. Wala na sa akin ang iyong kapalaran, na sabi naman ni Mace, at ni Glenn, at ni Leo e mukhang magiging maganda naman daw, pero syempre mga kaibigan ko sila, alangan namang hindi biased. Maindahin pa naman ako.

Sa October,  maghihintay ako ng balita, at sana hindi ako biguin ni Universe. Gustung-gustung-gusto kong matupad ka, magawa ka, mapanood ka, makita kang makita ng iba, pero syempre, wala namang natupad sa basta-bastang gusto lang. Edi lahat nanalo na sa lotto at lahat ng babae naging si Angelina Jolie na. Ang iba, bahala pa rin si Universe, e ang laking porsyento pa naman nung “iba”. Pero kung talagang sinubaybayan nya ako mula nung college, alam na nya siguro, hindi ko na kailangang ipaliwanag pa sa kanya na may kasamang novena at di mabilang na dasal. Kung para sayo talaga, ibibigay sayo, ganun na lang. Kung hindi, e hindi talaga, ganun na lang. Kung gayon, e maiintindihan ko anuman ang maging pasya. E sus, parang pag-ibig lang naman pala, ako pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s