sequence treatment

Natapos na rin kita sa wakas. Una kitang naisip, two years ago na yata, basta matagal na. Nagagalit na nga sakin si Bebs kasi puro konsepto lang ako, puro drowing, puro excitement, wala namang nasusulat. Pero ewan ko ano’ng nangyari, bakit bigla na lang akong ginanahang isulat ka. Pagkatapos yata nung mapanood ko ang Donor…

telepono

Tuwing naririnig ko ang “Telepono” ng Sugarfree, bumabalik ako sa UP, lalo sa “hello/ di na kita/ naiintindhan/ malabo/ na ba ang linya/ sa ating dalawa”, na gustung-gusto kong kinakanta nun habang naglalakad mula Maskom hanggang AS, dahil mas gusto kong maglakad kesa mag-Ikot, bukod sa sayang ang P4.50, habang sinasabi sa sariling mahal ka nun, ayaw…