gusto ko 1

Gusto ko kapag nagtetext siya, minsan tatawag pa, para lang sabihing “O, bat di ka nagpaparamdam?”.

ambon ng swerte

Habang hinihintay ko mag-load ang pictures sa laptop, ewan ko, bigla ko lang naisip: sobrang swerte ko sa mga magulang ko. Nung nagpaulan si God ng tangkad at kaputian sa mundo, alam ko na kung bakit wala akong nakuha. Andun ako sa pila ng swerte sa mga magulang, 5am pa lang andun na, isa sa…