Pikit-mata

Sabi ko dati, gusto kong mapangasawa e isang artist, yung painter, o glassblower o potter pa nga, kung talagang sinuswerte. O kaya rockstar, yung bahista para hindi masyadong pansinin. O kaya, kung hindi talaga artist o rockstar, basta taga-UP, okey na ako dun. (Hindi ko na pinagpilitan ang option na “all of the above”. Bata pa lang ako e na-orient na ako sa kalokohang fairy tale, at lalong mas bata pa ako nung napagtanto kong ang layo ng itsura ko kay Cinderella, lalo kay Snow White.)

Wala ka sa isa sa mga iyon.

Pero kung aayain mo akong magpakasal ngayon, ngayong gabing ito, ngayong madaling araw na pala, sasagutin kita ng oo. Hindi ko pag-iisipan ng matagal, hindi ko pagdadalawang-isipan, ipipikit ko na lang, ibubulong sa hangin, hindi ko alam kung bakit, pero o-oo ako.

Pero tanungin mo muna ako.#

2 Comments Add yours

  1. Karla says:

    Gusto ko ito.🙂

    Minsan may isang taong nagtanong sa akin ng tanong na hinihintay mo. Hindi ako um-oo, hindi dahil sa ayaw ko. Marami pa kasing dapat ayusin. Pero ilang buwan pagkatapos nun, may nakita akong puting damit at naisip ko, yun ang susuotin ko kapag ayos na ang lahat.

    Nakatago ngayon yung damit, hinihintay kung kelan magiging maayos ang lahat.

    (Napadaan lang, pasensiya sa halong chismis ng aking buhay.)

    1. ilayaonline says:

      matampuhin pa naman ang mga puting damit sa panahon. mabilis silang dumilaw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s