(walang pamagat pero isang kwentong mahal)

Hindi pa kami nangangalahati sa pagkain, tinabi na agad ni Tina ang kutsara’t tinidor sa pinggan nya at sinimulan nang ubusin ang kanyang Coke. E halos hindi naman nagalaw ang kanin at ulam nya.

“Oy Tina ubusin mo yan, ayaw ni God ng nagtitira ng pagkain,” parang nanay na sabi ng ka-trabaho namin sa kanya.

Hindi na lang umimik si Tina, pero parang medyo nainis, sabay sipsip pa rin ang Coke nya. Malapit nang mag-kwarenta si Tina, maganda naman, masayahin, pero wala pa rin siyang boyfriend. Sa totoo lang, hindi pa siya nagkaka-boyfriend. May nirereto nga daw sa kanya ang nanay niya na foreigner, magka-boyfriend lang siya, at nang magka-anak na, pero ayaw daw niya talaga.

Nung hayskul siya, muntik na raw siyang magka-boyfriend, si Luis. Mag-best friends sila, at gusto nila ang isa’t isa, yun nga lang, hindi pa sila. Sobrang mahal niya si Luis, at si Luis naman, mahal din naman daw siya. Kung ngayon yun, yun na siguro ang It’s Complicated. Nung ga-graduate na sila, nakipagkita daw sa kanya si Luis, sa mamahaling restawran pa. Sa loob-loob nya, iniisip na niya kung papano niya sasabihin ang “oo” nang hindi masyadong halatang in love na in love siya, in love lang. “May sasabihin ako sayo,” sabi ni Luis, at ngumiti lang si Tina, habang ang lub-dub-lub-dub ng puso nya ang nagsilbing background music, “Matagal kong pinag-isipan ‘to, at ikaw sana ang unang gusto kong makaalam,”  lub-dub-lub-dub, lub-, “na magpa-pari ako.” Dub. 

Hindi pa rin kami tapos kumain, pinipilit pa ring ubusin ang hindi naman kasarapang ulam, habang ang pinggan ni Tina, nasa gilid na’t hindi na niya binawasan.

“Hayaan mo Siyang magalit,” biglang sabi ni Tina, habang sipsip pa rin ang Coke, “nang makaganti naman ako sa Kanya.”#

2 Comments Add yours

  1. val says:

    tama yan. hmp.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s