Ba’t hindi ako nagsulat nung nasa Santorini ako?

Sa Santorini, kada magdadapit-hapon na, bandang mga 8pm sa pagkakaalala ko, pero maliwanag pa, papunta lahat ng mga tao, na karamihan ay turista, sa dulo ng Oia. Hahanap ng pwesto nila, paharap sa Aegean Sea, yung maluwag, kumportable, yung kasya ang tripod nila, yung hindi mahaharangan ng ulo ng iba ang view. At pag mag-uumpisa nang lumubog ang araw, tatahimik na ang lahat, ilalabas ang mga camera, magpo-posing na ang araw ang background, at ang foreground ay ang mga puting bahay sa Santorini, at nung tuluyan nang lumubog ang araw, nagulat ako: nagpalakpakan ang lahat. May ilang  daang tao yun, siguro kaunti na lang, libo na, at lahat sila pumapalakpak. Tuluy-tuloy lang hanggang lumubog ang araw. Pinapalakpakan ang napakagandang paglubog ng araw, ang paghalo ng yellow, orange, blue at purple, hanggang maging tuluyang dark blue na lang, ang sa palagay nila ay ang pinakamagandang sunset sa buong mundo.

Gabi-gabi.

Pustahan tayo, hindi pa kayo nakakarating ng Manila Bay mga ser.#

One Comment Add yours

  1. ilayaonline says:

    hindi mo kailangang makita yung sa santorini.🙂 pero yung santorini mismo, kailangan hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s