Ba’t hindi ako nagsulat nung nasa Santorini ako?

Sa Santorini, kada magdadapit-hapon na, bandang mga 8pm sa pagkakaalala ko, pero maliwanag pa, papunta lahat ng mga tao, na karamihan ay turista, sa dulo ng Oia. Hahanap ng pwesto nila, paharap sa Aegean Sea, yung maluwag, kumportable, yung kasya ang tripod nila, yung hindi mahaharangan ng ulo ng iba ang view. At pag mag-uumpisa…