Baka bingi, baka lang ha

“Direk, ano pong gusto nyong ipabili?” tanong ni Ate A, ang aming errand runner, kay Direk Joyce sa acting workshop ng Kimmy Dora. (Kahit beterano na ang mga artistang kasama sa pelikula, kailangan pa rin ang acting workshop para maging komportable ang mga artista sa kanilang bagong karakter at sa isa’t isa.)

“Drip tall sa Starbucks,” sabi  ni Direk, “tsaka dalawang Splenda.”

“Okay po,” sabi ni Ate A, sabay alis.

Pinigil ko siya bago tuluyang maglaho, “Ate A isulat mo kaya,” sabi ko, kasi bukod dun e may iba pa yatang pinabibili ang aming producer.

“Hindi na, alam ko  na yun,” at itinuloy nya ang naunsyaming paglaho.

Ipinagpatuloy namin ang acting workshop. Nakalipas ang 30 minuto, wala pa rin si Ate A, kahit nasa kabilang kanto lang ang pinakamalapit na Starbucks. Sabagay, baka mahaba ang pila.

Lumipas ang isang oras, wala pa rin siya. Sabagay, baka sa ibang Starbucks pumunta, na kung tutuusin ay ilang kanto lang naman ang layo mula dun sa malapit na Starbucks sa Morato.

At lumipas ang mahigit isang oras, halos patapos na ang workshop, at sa wakas, dumating na si Ate A, hapong-hapo, may kasamang ga-patak na mga pawis, pero nakangiti, parang may pinagtagumpayan. “Direk, eto na po Starbucks nyo,” sabay abot ng kape ni Direk. “Sorry po, ang layo  ng Mercury Drug e, tapos ang haba pa ng pila.”

Teka, teka. Mercury Drug?

At iniabot ni Ate A ang isang supot ng Mercury Drug. Sinipat ni Direk ang laman, islomo pa, may halong suspense, siguro dahil bilang direktor ng comedy, alam na niyang malapit na ang punchline. At mukhang kasama siya dun.

Sa loob ng supot, nakita niya. Dalawa nga.

Dalawang Slenda.#

3 Comments Add yours

  1. Chino says:

    hahaha,,,grabe tawa ko dito…para akong tanga…

    1. ilayaonline says:

      hahaha adik si ate e no?

  2. Richell Kris Dagcuta says:

    Hahahaha,…😁😁😁😁

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s