In memory of Alexis and the old me he wrote about

Ginawan ako ni Chard ng isang napakagandang recommendation letter para dun sa filmmaking workshop na sasalihan ko. Isa kasi yun sa mga requirements. Last year, dapat sasali ako, pero ewan ko, nawala sa isip ko. Nung nalaman ko na, tatlong araw na lang e deadline na. Kahit sabi ng FedEx, We Deliver., hindi naman nila pinangakong We Deliver to Seoul in Three Days. Dapat si Alexis ang ipapasulat ko nung recommendation letter ko nun. Hanggang ngayon, tinatanaw kong malaking utang na loob sa kanya ang pagpapakita ng pelikula ko sa ibang tao bukod sa mga kaibigan ko. Dahil sa kanya, naisip kong baka magaling nga akong filmmaker, gaya ng sinasabi nya tuwing babanggitin niya ako sa mga article nya. Minsan, nung nag-eemote ako at naisip kong nasan na kaya yung Antoinette Jadaone na yun na sinasabi niya sa Rogue Magazine, hindi ko na siya kilala, at kung makilala ko pa, baka wala na siyang oras makipag-usap, e busy sa paggawa ng telenovelang may 40.1% rating o kung hindi naman, binabawi ang tulog dahil mahigit 24 oras nagtrabaho, hindi naman taga-news. Tinext ko nun si Alexis, kasi binasa ko yung sinulat niya sakin, sabi ko, salamat kasi may naniniwala pa rin pala sa akin. Sabi niya, don’t lose the filmmaker in you, at kung dahil sa pagsusulat niya ay naiinspire ang mga tulad kong nawawala ang tingin sa pagpepelikula paminsan-minsan, magsusulat pa siya nang mgasusulat. Mula nun, ipinangako ko sa sarili ko, gagawa ako ng isang short film kada taon, pangit man o maganda. Pagkatapos ng higit isang taon mula nun, napatay si Alexis sa bahay niya sa Times St. Alexis, sir, maraming salamat. Nabago mo ako nang hindi mo nalalaman.

At ngayong nabasa ko ang sinulat ni Chard, bumalik yung dating ako nung kakagraduate ko pa lang sa UP. Magiging direktor ako, sabi ko, itaga mo pa sa bato. Hindi ko alam kung may tumaga sa bato, pero tatanggap ako ng taga at bato kahit Linggo.

Mahirap nang mapahiya sa mga writer. The pen is mightier than the sword pa naman.#

2 Comments Add yours

  1. Naks naman! Magiging full-fledged filmmaker ka no. Kahit walang batong tatagain haha.

    1. ilayaonline says:

      hehehe tenkyu naman. pero dapat hindi magmadali.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s