Susmaryosep, wala bang Biogesic sa Agoo?

Hindi ko alam kung pano pero habang nasa production meeting kami para sa pelikulang Robin Padilla-Toni Gonzaga ng Star Cinema, napunta ang usapan kay Judiel Nieva na sinabing nakikita raw si Mama Mary sa isang bundok sa Agoo, La Union, kung saan may dibuho pa ni Mama Mary na umiiyak ng dugo, na dinayo ng maraming tao, kasama na ang mga tita ko na galing pa ng Maynila, nung 1993. Ang ilan sa kanila, nakakita pa raw ng “dancing sun”, promise pa daw.

“Totoo ba yun?” tanong namin. “Nakita ba niya talaga si Mama Mary?”

“Hindi ko alam pero ang alam ko nakakagaling siya,” sabi ni Biko*, bakla naming art director. “Yung kaibigan ko, nagpunta dun, tapos hinawakan lang siya sa ulo,” dinemo pa niya kung paano, nakapikit pa at may bahagyang pag-nginig ng ulo, “ganun lang, tapos ayun, gumaling na yung,” hinintay ko ang sasabihin nya, at parang proud na proud at paniwalang-paniwala, sinabi niya, “lagnat nya.”

Susmaryosep, kung maka-bida ka naman, akala ko cancer.#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s