isang magandang katotohanan

Minsan kailangan mo lang tumigil, at manahimik, para malaman mong ba’t ang dami mo pang hinihiling at pinangangambahan, ba’t ang dami mo pang tanong, e ang totoo, okey lang naman talaga ang lahat. At sa totoo lang, matagal na.#

(walang pamagat pero isang kwentong mahal)

Hindi pa kami nangangalahati sa pagkain, tinabi na agad ni Tina ang kutsara’t tinidor sa pinggan nya at sinimulan nang ubusin ang kanyang Coke. E halos hindi naman nagalaw ang kanin at ulam nya. “Oy Tina ubusin mo yan, ayaw ni God ng nagtitira ng pagkain,” parang nanay na sabi ng ka-trabaho namin sa kanya. Hindi na…

“Pwede ka ba bukas?” text ni Inah kay Erwin. “May gusto sana akong sabihin.” Walang smiley, di-tulad ng mga dati niyang text, na laging may kung hindi U na may umlaut ay ‘yung mas may effort na equal sign at closing parenthesis. “Ano yun?” sabi ni Erwin. Walang short-cut sa mga salita, kunsabagay, ganu’n naman…

Nitpicking Langit Sa Piling Mo Mark Herras Teaser

See 00:07. When you present your business card to a client, your name must be facing them, not you. In this teaser, Rigo Hilario (Mark Herras) presents his business card the wrong way (facing him), but it’s for the director’s shot’s sake: the camera must capture “Rigo Hilario COO/President” to introduce Mark’s name and character…

[updated] When I’m broke means I can’t afford a Zara

I’ve been reading The Automatic Millionaire by New York Times best-selling author David Bach for over a month now in Powerbooks. It’s about how to become a millionaire when you retire, and automatically at that. Every time I have some idle time at the mall, I go to Powerbooks and read a chapter until I get…

Ba’t hindi ako nagsulat nung nasa Santorini ako?

Sa Santorini, kada magdadapit-hapon na, bandang mga 8pm sa pagkakaalala ko, pero maliwanag pa, papunta lahat ng mga tao, na karamihan ay turista, sa dulo ng Oia. Hahanap ng pwesto nila, paharap sa Aegean Sea, yung maluwag, kumportable, yung kasya ang tripod nila, yung hindi mahaharangan ng ulo ng iba ang view. At pag mag-uumpisa…

pagbawi

Binabawi ko na/ ang tinuran ko dating minamahal kita/ nang higit sa minahal ko siya sapagkat ngayon ay minamahal/ na  kita hindi nang higit/ o kulang sa minahal ko sila/ kundi basta minamahal kita minamahal kita.

Gupit, Toto Sorioso, 2010

My favorite music video that I directed. (Actually, it’s a toss-up between Paramita’s Sa Piling Nya and this.) Thanks Christina, Toto and mca music!#

Naknang pusang gala

Leche tong pusa namin. May hinahabol siyang maliit na daga nung pababa ako ng hagdan. Nung dumaan na ako, aba, kinalmot ako. Hello, ang ganda ko namang daga. Gawin kitang siopao dyan e.#

Hay, what I would give to be an artist like them

A Design Mafia (Design you’ll love.. or we’ll break your knees) is fast becoming my newest favorite go-to URL after I cheeck Gmail. It either makes me want to be an artist, or makes me want to punch myself for not being one. (Filmmaking, yes, it’s an art too, but you know what I mean.) Someday, I’ll…

Baka bingi, baka lang ha

“Direk, ano pong gusto nyong ipabili?” tanong ni Ate A, ang aming errand runner, kay Direk Joyce sa acting workshop ng Kimmy Dora. (Kahit beterano na ang mga artistang kasama sa pelikula, kailangan pa rin ang acting workshop para maging komportable ang mga artista sa kanilang bagong karakter at sa isa’t isa.) “Drip tall sa…

In memory of Alexis and the old me he wrote about

Ginawan ako ni Chard ng isang napakagandang recommendation letter para dun sa filmmaking workshop na sasalihan ko. Isa kasi yun sa mga requirements. Last year, dapat sasali ako, pero ewan ko, nawala sa isip ko. Nung nalaman ko na, tatlong araw na lang e deadline na. Kahit sabi ng FedEx, We Deliver., hindi naman nila…