At binatukan ako nang malakas, tugugsh, film graduate ka, diba dati gusto mong maging direktor?

Napadaan ako sa pinakauna kong blog, http://ilaya.blogdrive.com, circa 2004 yata nung unang masulatan, at natawa ako sa kung ano ang mga gusto ko dati, na sa isang banda, hindi naman nalalayo sa gusto at ginagawa ko ngayon. Nga lang, dati, parang mamamatay ako kung di ako maging direktor. E buhay pa ako hanggang ngayon, at hindi pa ako direktor.

Eto sinulat ko nung March 8, 2006. Panahon ng thesis, ng pagpupuyat maka-graduate lang, ng ilang araw na lang iiwan ko na ang UP para hamakin ang lahat maging direktor lamang. E wala namang nagsabing ang dami pala ng “lahat” para hamakin.

“Ano’ng gusto mo maging paglaki mo?” tanong sa’kin (na siguro’y six years old pa lang nun) ng isang bisita sa bahay.

At buong kasiguraduhan kong sinabi, “Gusto ko pong maging architecture.” (Inuulit ko, ako ay six years old pa lang niyan).

At napatingin na lang ang bisita.

* * *

At sa loob ng maraming buwan, ang pangarap ko sa buhay ay maging isang magaling na architecture. (Ito kasi ang kurso nun ng aking pinsan na nakikita kong gumagawa ng rubber miniature buildings.) At ni isa sa mga nagtanong sa’kin, walang naglakas-loob na magsabi ng “Hija, maniwala ka sa’kin, never kang magiging isang architecture.” Sabagay, ang hirap nga namang paguhuin ang pangarap ng isang six-year-old. At sure na sure pa.

Pero nang sa wakas ay nalaman at natanggap kong hindi nga ako magiging isang architecture ever, ayoko na ring maging architect.

* * *

Nung nagpunta kami ni Bebs sa Ateneo para magpasa ng entries sa Ateneo Video Open 2006, nagtanong kami sa Butihing Gwardiya.

“Kuya, alam n’yo po kung saan yung Gonzaga Hall?”

Napatigil si Butihing Gwardiya. Nag-isip. Nag-isip uli.

“Gonzaga Hall?” ang tanong ni Butihing Gwardiya.

At napatigil uli. Nag-isip. Nag-isip uli.

Tapos biglang sabi: “Pa’no nyo nalaman na sa Gonzaga Hall kayo pupunta?”

Kamusta ka naman, Kuya?? E sa alam namin e! Ano pong gusto n’yong sabihin namin, “Kuya, hindi po namin alam kung saan kami pupunta. Saan po yun?”???

* * *

Kwento ni Earl, kapatid ni Glenn. Sa prom daw nila, may kaklase siyang nag-effort na mag-all-white ang moda. Ang polo, white. Ang undershirt, white. Ang americana, white. Ang pantalon, white. Ang sapatos, white. Ang medyas, white.

Hindi siya nanalong best dressed.

* * *

Andami ko nang naging gusto maging. Glassblower. Potter. Teacher. Taga-gupit ng buhok. Shoe designer. Clock designer. Umbrella designer. Bokalista ng banda. PBA courtside reporter. Interior designer. Architect. Architecture

Pero ang pinaka-sineryoso ko, maging isang direktor.

At alam kong, kapag nawalan ako ng gana at pakialam, lalo pa ngayon, lagot ako.

Ayokong maging parang six years old uli.

* * * 

Hindi na ako lagot.Ü

* * *

“Ikaw ang diyos at hari ng iyong mundo / Matakot sila sa’yo.”
       –Wag Kang Matakot, Eheads

 “Andito ka ay ayos na.”
       –Pare Ko, Sila Rin

*Hi kay Ms. Kathlyn Pike, ang unang tao (bukod sa pamilya) na nadama kong naniwala talaga sa’kin nung hayskul sa klase kong Video Production Elective.

**Hi din sa mga mag-dedefend ng kanilang film thesis sa March 22. Definitely going to be one of the best thesis defenses in recent UPFI history. Naks.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s