Pag-iibigang parang sixteen ka pa lang

Nag-inteview kami ng mga 16-year-olds nung isang araw bilang research para sa script na ginagawa namin. Tungkol sa pag-iibigang parang sixteen ka pa lang kasi sabi namin, “we must love the way we loved when we were sixteen” kung kelan lahat ay first time, lahat ay big deal, lahat ay pwede ka nang mamatay e tinignan ka lang naman nya nang normal na tingin, lahat ay sign (“nandito rin siya sa canteen, it’s a sign” kahit na, hija, pareho kayo ng school, anong gusto mo, pumunta pa siya ng McDo para lang mag-recess?) at lahat ay parang forever na, isulat mo pa sa likod ng math notebook mo.

“Ano ba yung love?” tanong namin kay Ella*, 16-year-old na may boyfriend na, first boyfriend nya, na romantic na gitarista ng isang banda, na sa dulo ng kanta nila, ipinasa ang gitara sa ka-banda, lumapit sa kanya, lumuhod, at tinanong siya, “Will you be my girlfriend?”, at si gagang 16-year-old, sabi, “yes”, sabay excuse me, wag nyo tapakan ang mahaba kong hair. Tsaka wag kayong inggitera.

“Yung love kasi ano e… Like what I tell him, falling in love with him was the second best thing that happened to me,” sagot ni Ella, “The best thing was meeting him.”

At kami ay napatigil na lang. At napa-napaka-16-year-old na “awwwwww”.

Eto nga yun, yung 16-year-old na pag-ibig, yung nakalimutan na nating paraan ng pag-ibig, yung ngayong 25 o 30 ka na e nakakadiri at nakakasuka pero deep inside, nakakainggit.

Kasi ang totoo, minsan ka lang sixteen.#

*hindi totoong pangalan

5 Comments Add yours

  1. val says:

    yikes. at napa-“aaawww” din naman ako kahit hindi ako nagdaan sa 16-años at hindi ako maka-relate.

    uy bos, baka kailangan ninyo ng utusan sa shoot.

    1. ilayaonline says:

      hahaha 17 ka agad after 15? naku wala pa akong mga shoot ngayon, trabaho muna, ipon muna pang-pondo hehe.🙂 kamon!

      1. val says:

        hindiday, deretso kwarenta na ko. sumasakit na ang mga kasu-kasuan ko.
        😀 ganun ba? balitaan mo lang ako. naeexcite nga ako pag nakikita ko ang pangalan mo sa pinilakang tabing.

      2. ilayaonline says:

        hahaha salamat =)

  2. khalil says:

    Sigh! Naalala ko tuloy ung girl I’ve met at LoveRepublik.com🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s