Sana balang araw makasulat ako ng katulad n’yo, yung tipong kapag nasa MRT ako at naisip ko, “ay gusto kong magsulat sa kung gaano nakakainis sumakay sa Makati ng alas-sais y media ng gabi kasi dun nasusubok ang pagkakaroon ko ng urbanidad at good manners and right conduct, pero nakakamiss din ang sikip na ito, huli kong rutang ganito e fresh grad pa ako, at gustung-gustung-gustong maging direktor, kahit na nasa mali akong industriya, at least direktor pa rin” e pagdating ko sa office, pagbukas ng laptop, ay masusulat ko nga, hindi na iniisip kung maganda ba yung unang pangungusap kasi maganda naman, tapos tuluy-tuloy hanggang mapunta sa huling salita, hindi iniisip kung maganda ba yung pagtatapos, kasi maganda naman, tapos pipindutin na ang Publish, tapos may makakabasa, na akala mo ay isa o dalawa o tatlo lang, kasi bihira lang ang may kukomento, pero yung isa sa mga nakabasang yun, hindi n’yo alam, gustong makasulat na tulad nyo, na hindi man kumomento, e ginusto namang magsulat, kahit gaano kaikli, tungkol sa inyo.
At ang mas masarap dun, nakasulat naman.#
Awww, Tonet. I miss you.
lagi kang busy! tesh!
❤ gusto ko rin kayang binabasa mga sinusulat mo!
ikaw ay kaibigan nga. hehe. 🙂