Nangyayari pala talaga sa totoong buhay yun

https://i1.wp.com/www.gfxcomments.com/media/20/Cat-waving-hi-X36R5H4OCE.gifNangyayari pala talaga sa totoong buhay yun, yung may kakaway sayo nang buong galak, tapos makikita mo ang pagkaway nya nang buong galak, tapos ngingiti siya nang buong galak, tapos titingin ka sa kaliwa at kanan, left at right kung ikaw nga ba ang kinakawayan at nginingitian niya nang buong galak, e parang ikaw naman, unless yung halaman sa tabi ng escalator ang kinakawayan nya, e di-hamak namang mas maganda ka dun, kaya kakaway at ngingiti ka rin at papantayan mo ang level ng kagalakan niya. Tapos pag hahakbang ka na para lapitan siya, parang on cue, lalabas ang isang tao sa likod mo patakbo sa kanya, at sila ay magbabatian at magpapataasan ng level ng kagalakan na kahit ipag-combine pa nila at i-times three e hindi uubra sa level ng nakakahiyang kagalakang ipinakita mo kanina.

Tapos ikaw ay tatalikod, ilalabas ang cellphone, magpipipindot ng kung anong text kunwari e “unlock” lang naman ang ginawa mo, habang pinapagalitan ang sarili kung bakit sa kaliwa, kanan, left at right ka lang lumingon, sabay maglalakad palayo ng sobrang bilis, hindi mo sure kung pa-dakong Burger King o McDo basta ang point, lumayo ka nang malayung-malayung-malayo, kesyo NLEX pa yan o SCTEX, bsta dun sa walang bahid ng kagalakan at halaman sa escalator. Dun kung saan mapapaisip ka, parang yung lightbulb moment ni Oprah, na syet hindi pala inimbento lang ng mga scriptwriter yung mga ganung eksena.

Bukod sa, Lord, kailangan bang ako na naman ang punchline?#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s