Pasintabi sa mga galit sa emo at cheesy, mukhang cheesy lang ‘to pero hindi talaga, papunta pa lang dun, wala pang ending e

1  END NG SCREENING NG ISANG MAGANDANG PELIKULA SA CINEMALAYA FILM FESTIVAL, CCP LITTLE THEATER LOBBY. NIGHT.

Maraming tao, halos lahat masaya, nakangiti, parang inspired. Ininterview ako nung isang may camera at mic, ano raw ang masasabi ko sa pelikula. Sabi ko, “Maganda, maganda. Sana balang araw makagawa ako ng ganung pelikula.”

2  LOOB NG KWARTO KO, PAG-UWI, GABI.

Pag-uwi ko, pumasok agad ako sa kwarto ko. Binuksan ko ang ilaw, binuksan ko ang PC, kailangan kong buksan agad ang Word.

VO (nakikita ko pa ang reflection ko sa monitor, nakatitig lang, habang hinihintay mag-load ang Word, na parang napakatagal): May nagsabi sa’kin, ang pinakamagandang kwento raw ay isunulat ng taong nagmahal, at nasaktan. Kaya, sabi niya, habang nagmamahal ka, at nasasaktan, magsulat ka. Habang masakit pa, isulat mo, habang nagmamahal ka, habang akala mo ay di ka na magmamahal at masasaktan uli ng  parang ganon, magsulat ka. Dahil hindi ka na uli makakapagsulat ng parang ganon. Nakakainis, sabi ko, kasi nung pinakanagmahal ako at pinakanasaktan, hindi ako nagsulat. Nakakainis… Kaya ngayong gabi, babalikan kita. Babalikan kita kahit hindi ko alam kung magiging gaano kasakit, kung magiging masakit man, o kung magiging masakit uli, pero babalikan kita. Dahil ngayong gabi, alam ko, maisusulat ko ang pinakamagandang kwentong maisusulat ko.”

7 Comments Add yours

  1. tez says:

    me nadaanan pala akong barangay sa boni kahapon. barangay barangka ilaya. hehe.

    1. ilayaonline says:

      ay oo, nadaanan ko na rin yan dati. tas meron din syempre yung sa maynila. meron din sa may pasig. yung grupo na gumawa nung yabang pinoy na bracelet ko ay tsaaraaaan, taga-barangay ilaya. nagulat naman ako’t napadaan ka dito. welkam!

  2. lunabertigo says:

    wow congrats. maaaring nagawa mo nga ang pinakamagandang kwentong nasulat mo.

  3. ilayaonline says:

    pag mapanood mo yung pelikula, parang hindi pa. hehe. =) (kasi nung ginawa ko yung pelikula, wala na ako dun sa moment e. mga two years ago ko pa sinimulan yung isulat, ngayon ko lang natapos, kaya parang medyo napaso na.)

  4. Kizzel Mina says:

    Eto na ba yung That Thing Called Tadhana, direk? Hehehe. Sorry kung naabot ko na mga lumang posts mo. Hindi ako stalker…pero parang ganun na din. 😍

      1. Kizzel Mina says:

        😍 My lifetime favorite film! Thank you, direk!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s