Hindi lang halata, pero ma-drama na tayo nung bata pa, tanong mo pa sa guard nung nawala ka sa SM

Lagi nating sinasabi, ang sarap ng buhay nung bata pa tayo. Simple lang ang mga problema, ang inaalala lang e kung tutubuan ba ako ng puno ng santol sa lalamunan gaya ng sabi ni Ali kasi nakalunok ako ng buto o kung paano pipigilin ang luha ko sa harap ng mga kalaro kong lalaki sa kickball nung nauna kong sipain ang hangin kesa sa bola, at hindi kung saan kukuha ng perang pambayad ng condo nang hindi nabebelow-minimum ang ATM account, o kung paano pipigilin ang luha sa harap ng mga taong feeling God o kanang-kamay ni God nung masabihan kang tanga kaya bibilang ka na lang ng 1 to 100 na sheep na tumatalon sa fence habang sinasabi sa sarili, pagpasensyahan mo na sila, hindi siguro sila naarawan nung bata at nakapag-kickball sa kalsada.

Nung Grade 1 ako, naiwan ako ng school bus. Naglalaro pa ako nun ng Chinese jackstone nung makita ko ang school bus kong paalis na ng gate ng eskwelahan namin. At hindi ako kasama. Pero dahil bata pa lang ay naituro ko na sa sarili ko ang composure at ang takot na mapahiya, hindi ako nag-react. Hindi ako nag-react masyado, konti lang. Nag-dahilan ako sa mga kalaro kong ayoko na muna mag-Chinese jackstone at nag-moment ako malapit sa gate, nangingilid ang luha, pinipigil na wag pumatak, baka makita pa ni Guard, ma-schoolpaper pa ako. Pero pakiramdam ko nun, iniwan ako ng buong mundo, sino ba naman ako para hintayin ng school bus ng konting saglit pa, hindi ba ako importante, sino na ngayon ang susundo sa akin, ayokong matulog dun sa kumbento, diba may multo daw dun, pano yan, baka magalit si Mama, sabihin inuuna ko pa ang pag-Chinese jack– pero bago ko pa matapos ang script ko, bumalik na si Manong Ipe at ang aking school bus. Pumasok ako sa loob at nakita ang mga busmate kong nakangiti, parang ang tagal na akong hindi nakita. Sabay aya maglaro ng cross Mary shake, shake, shake.

Samantalang ngayon, ang problema e yung hindi mo ikakatulog ng ilang gabi, iiyakan mo, iiyakan mo maalala mo lang kahit walang senti na kanta sa background, e pano pa kaya kung meron, ikakagalit mo, sasabihin mo, sino siya para gawin sakin ‘to, excuse me hindi siya kagwapuhan, I hate you, I hate you, I really hate you, pero ilang linggo na, yun pa rin ang bukang-bibig, bukang-isip, bukang-liwayway.

Pero naisip ko, hindi ba unfair para sabihin sa batang nawawala sa SM Department Store na hindi malaman kung iiyak siya o maghahanap muna sa left at right, front and back bago umiyak, na mababaw ang problema nya? Na para bang minamaliit ang kanyang six-year old na takot, na sakit ng loob, na pangamba, na lungkot, na konsepto ng katangahan, na pagagalitan siya ni mommy kasi sinabi na ngang wag makipagtaguan sa mga mannequin e. Mahirap man alalahanin uli, pero halos ganun din naman ang pakiramdam. Sa pananaw mo nung bata ka pa, parang magugunaw pa rin ang mundo, parang ang sarap-sarap umiyak, parang wala nang bukas. Parang tanga lang.

Sounds familiar.#

3 Comments Add yours

  1. marcromyjos says:

    Huweyyyyyt lang….nag mang Ipe ka riiiiin!!!! vaks! busmate kita before!!!!huwaaaaa! pati si ethel!

  2. imace says:

    Gusto ko ‘to.

  3. ilayaonline says:

    imace: salamat🙂

    marcromyjos: hahahaha. si mang ipe na 11 ang mga daliri! panghapon ka ba o pang-umaga?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s