Nas’an ang Datu Puti kung kelan siya kinakailangan?

Madalas, tinetest ni God ang ating patience. Kung sinuswerte, sa bahay ka lang pag-eexamin ni God, kung saan kaunti lang ang makakakita ng iyong pag-aanyong-bakulaw.

Nagluto si Diding, ang kasambahay ni May, ng sinigang na baboy para sa tanghalian. Inihain sa hapag-kainan. Tinikman ni May ang mainit pang sinigang. Nilasap-lasap. Nilasa-lasahan. Parang may kulang.

“Diding, ba’t parang matabang ‘tong sinigang mo?” tanong ni May. “Ano bang ginamit mong pang-sigang? Sampalok?”

“Ahh hindi po,” sagot ni Diding.

“Bayabas?”

“Hindi po.”

“Sinigang mix?”

“Hindi rin po.”

“E ano?” huling tanong ni May, na may tonong “Sasabihin mo ba, o habambuhay tayong mag-k-question and answer portion dito?” pero naka-smile pa rin (para baka sakaling hindi mahalata ni God na nagiging impatient na siya).

At sumagot si Diding, matter-of-factly, “Wala po.”

Tahimik. Hinga, May, hinga. Bilang ng 1 to 100. At pabalik.

At nakita sa buong Quezon City ang pinaka-malaking pandidilat ng mata na kung hindi naagapan ay nakasakal ng isang kasambahay na ang tanging kasalanan lang naman ay ang pagluluto ng sinigang na baboy na walang asim na taglay. Isinigang sa tubig.

At dahil pinandilatan lang ni May si Diding, binigyan siya ni God ng inc.#

2 Comments Add yours

  1. Myk says:

    Made me laugh hard! Thanks, I needed that.

    Found your blog through Yoshke.🙂

    1. ilayaonline says:

      Wow salamat🙂 we all need to be surprised and have something to laugh at sometimes🙂 salamat to yoshke. he’s a good friend. a good gay friend hehe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s