Pa-order nga po ng pag-ibig, with extra cheese, willing to wait

May kilala akong hindi pa nagkaka-boyfriend since birth. Gusto na raw niyang magka-boyfriend, yung maranasan na kapag pinagalitan siya ng boss niya e merong magsasabi sa kanyang “it’s okay” o kapag pagod na pagod siya galing trabaho e ok lang kasi may kasama naman siyang mag-dinner later with interesting conversation tungkol sa buhay, buwan at bituin. Nag-text siya sakin isang beses, “Argh, I’m the only person I know na hindi pa nagkaka-boyfriend.” Napa-dalawang-isip tuloy ako. Hindi ko alam kung hahanapan ko siya ng boyfriend, o hahanapan ko siya ng iba pang kilala kong hindi pa nagkaka-boyfriend.

May kilala akong baklang umibig sa isang lalaki. Hindi lang sa lalaki, kundi sa lalaking may asawa. At hindi lang basta umibig kundi umibig na nung manganganak na yung asawa nung lalaki, e siya pa yung nagdala sa ospital. Ngayon, over na siya, sabi niya ha. Dati daw kasi, maalala lang nya yung lalaki ay biglang mapapaiyak na lang siya kahit nagtatrabaho pa, at hindi na siya mapapatahan. Ngayon, naiiyak na lang siya kapag naririnig niya ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me”. Huling balita ko, ginagawan siya ng dambana sa may Scout Circle kabilang ang mga kapwa niyang martir na Boy Scouts. May bandang drum and lyre daw sa ribbon-cutting. Tutugtugin ang “I’ll Never Get Over You Getting Over Me” hanggang hindi na siya magpanggap na over na siya.

May kilala akong taga-UP. Yung unang lalaking minahal niya, taga-UP. Yung susunod na lalaking minahal niya, taga-UP. Nagbitaw siya ng salitang hindi siya magkaka-boyfriend na hindi taga-UP. May nakilala siya, tahimik na “na yung katahimikan niya ay mahiwaga at misteryoso”, astig “pero hindi nagpapaka-astig”, matalino “na yung talino niya ay praktikal at hindi galing sa libro”, sarcastic at hindi nagpapatalo “tulad ko”, taga-probinsiya “at hindi  laking-Maynila, kaya marunong sa kapayakan at payapa”, pinaparamdam na prinsesa ka “na hindi ko pa naranasan dati”. Pagkatapos ng tatlong buwan, sila na. Hindi siya taga-UP.

May kilala akong matagal nang in-love sa kaibigan nya. Dahil may girlfriend, nakuntento na lang siya sa pagiging magandang shoulder-to-cry-on na walang malisya, magandang sabihan ng problema na walang malisya, magandang ka-text kapag bored kay Girlfriend na walang malisya, magandang ka-holding hands na wala naman daw malisya, magandang hinahatid sa bahay na walang malisya. Nasa kotse sila nun, papunta sa bahay nila, nang hawakan uli ang kamay niya. Parang may malisya na. Break na pala sila ng girlfriend nya. “Tayo na ba?” tinanong siya. Hindi siya makapaniwala, “Joke ba ‘to?” tanong rin nya. At natawa na lang yung lalaki, hindi sumagot. Ngayon, tatlong taon na sila. Wala pang nagbibitaw ng punchline.

Tsk, ang pag-ibig pa naman, kung pumunchline, laging tagos sa puso. Depende na lang sa’yo kung itatawa mo, o ingingiti, o ikalulunok ng pride, o ikamamatay, o iiiyak. O iiiyak na may “I’ll Never Get Over You Getting Over Me” sa background.#

18 Comments Add yours

  1. yoshke says:

    “Napa-dalawang-isip tuloy ako. Hindi ko alam kung hahanapan ko siya ng boyfriend, o hahanapan ko siya ng iba pang kilala kong hindi pa nagkaka-boyfriend.”

    LATTER! Para mafeel nya na hindi sya nag-iisa.😛

  2. ilayaonline says:

    ayyyy hindi kita mapapakilala. haha. chos.

  3. nicole asis says:

    Iba’t ibang klase ng pag-ibig…lahat sakit ng ulo. Kaya sa kaibigan mong single…blessing in disguise actually yun. Hehehe🙂

  4. ilayaonline says:

    Di naman laging sakit ng ulo, minsan lang. hehe. dinefend pa e no?

  5. may kilala akong laging kinakanta yan sa vidyoke! at malungkot. syempre not the mymp version, hehe.

    1. ilayaonline says:

      tro. ang lungkot ng kanta, wag ko naman sana iyakan ang kantang yan. parang double whammy.

  6. yoshke says:

    Bakit? Bading ba yaaaaaan?

  7. hi..first time ko to leave a comment for someone i actually dont know.

    i just wanna say..you make me want to write again.. =)

    ang galing. un lang po.🙂

  8. ilayaonline says:

    yoshke: hahaha. hindi.

    your hayness =): wow. wow. salamat. and i just wanna say… you make me want to write more. Salamat. =)

  9. ilayaonline says:

    chard! ginamit ko nga pala sa script ko yung comment mo a hehe.🙂

  10. marcromyjos says:

    dalamhati ng may boyfriend vs dalamhati ng wala. Ay, yun na lang latter. innocently happy. hehe.

  11. ilayaonline says:

    marcromyjos napakaluma na ng post ko na ‘to, ngayon mo lang nabasa? haha. ay mas gusto ko dalamhati ng may boyfriend. hehe.

  12. J. Kulisap says:

    Sayang at nahuli ka sa patimpalak. Saan ka ba nang kasalukuyang nagpipigaan ang mga taga sambablog?

    Kamusta. Tara na sa ilaya.

    1. ilayaonline says:

      Haynaku hindi ko alam bat nito lang ako napadpad! May bumisita sa site ko na sumali sa kontes mo kaya napuntahan kita, kaso late na ako ng limang araw. Sana may next time pa ser.🙂

  13. duking says:

    na late ka miss sa pakontes ni jkul.babasahin ko na rin.

    ah,boundless talaga ang pag-ibig.para sa hindi pa nakakaranas,idealistic yung tingin nila.dun sa nakaranas na,nabibigyan nila ng definition yung pag-ibig each day batay sa lungkot o sa saya.

    maraming experience,good or bad.pero anupamang babaw o lalim ng pakahulugan,nagmahal pa rin tayo.

    napadaan lang po.

  14. laydee says:

    gusto ko ito..minsan ikwento mo ang kwento ko>>hehe

    1. ilayaonline says:

      hahaha. sige sa next edition. yung isa dun si allan haha.

  15. jimelley says:

    wiee! got to see your blog tonet, galing! haha, bored here at BKK, walang kseng task sa work.

    di na ako nakatiis di mag comment, naaliw ako mashado dito sa post na to. gawan na rin ng movies itong stories mo dito!🙂

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s