Sabado daw ang Valentine’s Day, at Biyernes naman ay sweldo

heart_shaped_forest

Palaging ruta ko pauwing Pasig ang isang hilera ng mga “hotel” na pinamumunuan ni Mareng Victoria in black. At kanina, paglingon ko sa mga “hotel” na iyon, may mga naglalakihang mga pulang puso na na gawa sa styro at cartolina. At isa lang ang naisip ko.

Panahon na naman ng pag-ibig, sabi nga ni Rivermaya.

Kung kailan nakakapag-isip pa rin ang mga motel ng mga special Valentine’s Day promo na para bang wala silang promo kahit normal na araw, tapos may mga kumakagat namang parang wala pa silang promo na na-avail kahit normal na araw. Kung kailan may biglang susulpot na lang sa gilid ng jeep na tindero ng rose, three roses, red rose, white rose, yellow rose, blue rose, o white rose na kinulayan ng blue o purple, baka daw kasi yun ang favorite color ni Honey, tapos kung titignan mong maigi, parang siya rin yung biglang sumulpot sa gilid ng jeep na nagtitinda ng mineral water at Doublemint nung nakaraang buwan. Kung kailan nagdadalawang-isip na si Hijo kung sasabihin na ba niya sa kanyang “mahal kita” o idadaan na lang niya sa three roses, ay isang purple rose na lang, baka masyadong mahalata, pero sana favorite color nya yun.

Kung kailan hindi makatulog si Hija sa kakaisip kung masasabihan na ba siyang “mahal kita”, o kahit blue rose na lang, okey na rin yun, o kaya purple na lang, favorite color daw nya yun e. Kung kailan may mga magsasabing ang Valentine’s Day ay pasimuno ng mga kapitalista upang perahan ang mga taong ang tanging kasalanan ay in love lang, sorry na, tao lang. Kung kailan naiisip ni David Pomeranz na mag-concert dahil kahit laos na ang Wacks-Peachy loveteam ay benta pa rin ang “It Might Be You”. Kung kailan ang dating “friends lang” ay magiging “friends with benefits, for now, malay natin, baka balang araw”, ang “dating” ay magiging “exclusively dating”, at ang “exclusively dating” ay magiging “In a Relationship”, o baka hindi pa, next month na lang, baka sabihin e easy-to-get ka, after eight months of “exclusively dating” pa lang. Kung kailan ang “I love you” ay sinasabi, at hindi sinasabi, sinasabi sa higit sa isang tao (para more chances of winning), ibinibigay, tinatanggap, tinantanggihan, nirereplyan ng “I love you too smiley” tapos “Love you more, smiley din”, o “tnx smiley” lang, o ng “tnx” lang, o walang reply talaga kahit “hu u” man lang, pinaparamdam, hindi pinaparamdam, sinasabi na lang sa tula, sa blog, sa Friendster, sa Facebook, sa blank message, sa miskol. Kung kailan ang “mahal kita” ay parehong mas madali at mas mahirap paniwalaan.

Hay, pag-ibig, kakaiba ka talaga.

Sa gitna mga balitang giyera sa Iraq, sa tatlong Red Cross volunteers na na-hostage, sa  pagkaka-presidente ni Obama, sa pagbaba ng presyo ng gasolina, sa isyu ng Cha-cha, andyan ka pa rin, nangingibabaw. At mangigibabaw.

Sabi nila, money makes the world go round daw. Parang hindi, parang ikaw, Pag-ibig (o kahit pag-ibig in quotation marks lang), ikaw talaga ang nagpapaikot sa mundo. Sus, eh kaya mo ngang patigilin ang mundo dahil sa simpleng titig mo lang, paikutin pa kaya uli?

At bakit, may Happy Money’s Day ba?#

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s